East Asia Super League, hahataw na ngayong araw sa Pasay City
Magsisimula na mamayang gabi ang laban ng San Miguel Beer at ng Meralco Bolts, maging ang kampanya ng Pilipinas sa East Asia Super League o (EASL) para sa kanilang pakikipagsagupaan sa magkahiwalay na laban sa pagbubukas nito ngayong Miyerkules sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Ibabandera ng Beermen ang kanilang imports na sina EJ Anosike at Quincy Miller kung saan makakaharap nito sa laban ang Korean Basketball League side ng Suwon KT Sonicboom na kasama ang dating miyembro ng Gilas Pilipinas Youth na si Dalph Panopio.
Pagkatapos ng first game ay haharapin naman ng Meralco Bolts, sa pangunguna ng import na sina Allen Durham, DJ Kennedy at naturalized player na si Ange Kouame, ang bagong saltang koponan na Macau Black Bears sa main game.
Parehong hangad ng San Miguel Beermen at Meralco Bolts na tubusin ang kani-kanilang sarili mula sa kampanya matapos mabigo noong nakaraang season nang ang magkabilang koponan ay hindi naka-abanse sa Final Four na ginanap sa Lapu-Lapu City sa Cebu. At sa bagong season na ito ay ang Maynila ang napili nilang venue ng nasabing torneo dahil nakita umano nila kung gaano kamahal ng mga Pilipino ang larong basketball sa bansa.
“It’s going to be one big show. We’re launching the EASL 2024-25 season. It’s the first time we’re doing it in Manila and we know how much Filipinos love the game of basketball. It’s not only an honor but more of an obligation to host the games here in Manila,” sabi ni Banjo Albano, VP Business Development at Head ng EASL Philippines sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.
“Not only is it an honor, but really more of an obligation to grow the game here locally as well. So, once the chance came about scheduling the games here in Manila, the whole team, Adam included, we had a great deal of discussion, and we felt that Manila would be the best place to kick off the season,” dagdag pa ni Albano.
Sa ikalawang season ng EASL ay mas pinalawak na ng mga organizer ang kanilang mga ipinatupad na tuntunin lalo na pagdating sa mga koponan na lalahok sa kompetisyon. Mula sa dating walong koponan, ay ginawa na nilang sampu ang kalahok. Dahil dito ay mayroon nang 30 laro sa bawat yugto ng laban at apat na laro naman sa playoffs na magsisilbing final four.
“This will be 30 games during the group stage, four games during our playoffs, which is our final four. So, it is bigger. It is a bigger season than we had last season,” paliwanag pa ni Albano.
Inaasahan din ni Albano na parehong maglalaban ang San Miguel at Meralco para sa kampeonato ngayong season kung saan ang mananalong koponan ay makakakuha ng grand prize na 1 million dollars.
Ang San Miguel ay naka-bracket sa Group A kasama ang Suwon KT Sonicboom, B. League champion na Hiroshima Dragonflies, Taoyuan Pilots ng P.League+, at bagong koponan na Hong Kong Eastern.
Samantala, ang Meralco naman ay nasa Group B kasama ang Macau Black Bears, Ryukyu Golden Kings, Korean Basketball League champion Busan KCC Egis, at P.League+ at title holder New Taipei Kings.