EASL: Eastern, kailangang manalo vs. Sonicboom para sa Final Four

Rico Lucero
photo courtesy: EASL Images

Kailangan ng Hong Kong Eastern na maipanalo ang kanilang laban kontra KBL’s Suwon KT Sonicboom na may 1-2 win-loss record para mapanatili nitong buhay ang kanilang pag-asa na makapasok sa Final Four. 

Sakali namang manalo ang Sonicboom, ay malalaglag na ang Eastern sa Group Stage.  

Ang Hiroshima Dragonflies, ang may hawak sa ngayon ng advantage sa tiebreaker laban sa Eastern matapos nitong talunin sa kanilang matchup games noong unang bahagi ng season.

Gayunpaman, sakaling magtapos ang Eastern, Hiroshima, at Sonicboom na may magkakaparehong win-loss standing na 3-3, hindi rin makukuha ng Eastern ang top-two spot sa Group A.

 Dahil dito, ang kapalaran ng Eastern ay nananatili sa kanilang sariling mga kamay.

Kinakailangan nilang maipanalo ang kanilang huling tatlong laro upang tapusin ang group stage ng may 4-2 win-loss record upang makasiguro ng Final Four slot.

Ang Hong Kong Eastern at KBL’s Suwon KT Sonicboom ay nakatakdang magharap ngayong Martes, January 7, sa Southorn Stadium, Hong Kong.