Djokovic abanse na sa quarterfinals ng Paris Olympics

Rico Lucero
PHOTO COURTESY: SPORTS, INQUIRER.NET

Pasok na sa quarterfinals ng men’s tennis single sa Paris Olympics si Serbian tennis star Novak Djokovic.

Ito ay matapos na matalo niya si Dominic Koepfer ng Germany sa score na 7-5, 6-3.

Sa umpisa pa lang ng laban ay dominado na agad ni Djokovic ang laro at halos hindi na makausad ang kalabang taga Germany.

Kamakailan lang ay tinalo din ni Djokovic si Spanish tennis legend Rafael Nadal sa men's singles second round.

Si  Djokovic ay una nang nakaharap si Dominic Koepfer sa Rome Masters apat na taon na ang nakakaraan kung saan naitala ni Djokovic ang 2-0 standing.

Si Djokovic ngayon ang kauna-unahang tennis player na naabot ang apat na Olympic para sa singles quarter-finals.

Sunod na makakalaban ni Djokovic sa quarter finals ay ang eighth seed ng Greece na si Stefanos Tsitsipas.