Dave Apolinario bigong makuha ang IBF title

Jet Hilario
Photo Courtesy: Rappler

Kahit bigo si Dave Apolinario na makuha ang panalo sa kanyang unang major title fight laban kay Mexican boxer Angell Lardizabal, tiniyak nito na hindi siya hihinto sa mga paglaban sa mga World title. 

Pinabagsak ni Lardizabal si Apolinario sa kalagitnaan ng ika-anim na round sa pamamagitan left hook sa katawan subalit nagawa pa ng Pinoy boxer na makabangon pero ng maulit sa ikalawang beses ang pagbagsak nito kung kaya inihinto na ng referee ang laban. 

Sa kasalukuyan, si Apolinario ay may hawak na boxing record na 20 wins kung saan 14 sa mga ito ay knock out at 1 loss. 

Samantala, ang Mexican boxer na si Angel Lardizabal ay mayroon nang 18-0 win-loss record kung saan 8 sa mga naging panalo nito ay knockout at siya na rin ang nakakuha ng bakanteng IBF belt.