Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdez CreamlineCoolSmashers Volleyball
Rico Lucero
photo courtesy: PVL media

Determinado si Alyssa Valdez at ang 10-time champion Creamline Cool Smashers na makabawi matapos malasap ang kanilang unang talo sa semifinal round ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference nitong Sabado, March 29, 2025, sa Ynares Center, Antipolo City, kontra Petro Gazz Angels, 23-25, 22-25, 25-21, 16-25.

Sa Martes, target ng Creamline na makuha ang panalo at resbakan ang Akari Chargers.

Ayon kay Valdez, team captain ng Creamline, kailangan umano nilang kalimutan ang lahat sa natamong pagkatalo noong Sabado at ituon ang pansin sa susunod na laban.

“We’ll prepare and let’s see on Tuesday. It was a tough loss, but I guess it’s not the ideal way to start the semifinals series. The coaches reminded us that it happened already, and we have to let it go because our next games are just as important,” ani Valdez.

Sa kanilang laban kontra Petro Gazz, nakapagtala si Valdez ng 10 points, 10 digs, at 10 receptions. Mas kaunti rin ang errors ng Creamline kumpara sa Petro Gazz (19-24).

Lumamang nang husto ang Angels sa blocking, kung saan hawak nito ang 13 blocks kumpara sa tatlong nagawa ng Cool Smashers.

Naungusan din ng Petro Gazz ang Creamline sa attacks, na may 59 kontra 53 na bentahe.

Sa kabila ng pagkatalo, tiwala si Valdez na kailangang gumawa ng paraan ang Creamline upang mapanatiling buhay ang kanilang kampanya sa conference na ito.

“It’s not the start we wanted, but the challenge is very big—and accepted. We put ourselves in this situation, so we have to find a way if we really want to keep our season alive,” dagdag ni Valdez.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more