Boxing: WBA Asia minimum weight title nasungkit ni Canoy

Jet Hilario
Photo Courtesy: Sanman Boxing photo

Nasungkit ni Joey “Baby Face” Canoy ang bakanteng WBA Asia minimum weight title kontra kay Jonathan “Hard Worker” Refugio. 

Ipinakita ni Canoy ang kaniyang mga matitinding suntok kay Refugio dahilan kung kaya naitala nito ang kaniyang five-fight winning streak dahil inihinto na ng referee ang laban sa ika limang round. 

Pinaulanan ni Canoy ng mga kombinasyon ng suntok ang kalaban hanggang sa ikatlo at ika-apat na round at pagpalo ng fifth round ay lalong hindi tinantanan ng suntok ni Canoy ang kalaban hanggang sa tinamaan ng right hook na nagpahirap ng husto sa sitwasyon ni Refugio. 

Ito na ang ika 22 panalo ni Canoy kung saan 14 ay knockout habang mayroon itong limang talo at dalawang tabla, samantalang si Refugio naman ay mayroon 22 wins kung saan 8 sa mga ito ay knockout, 11 loss 5 draws.