Boxing: Thai boxer na nakalaban ni Ancajas, na-disqualified
Na-disqualified ang Thai boxer na si Sukpraserd Ponpitak kontra kay Jerwin Ancajas sa ikalimang round ng kanilang laban nitong Linggo sa Mandaluyong City.
Hindi na kasi nakinig sa mga babala ng referee ang Thai boxer kung kaya pinatigil na ng referee ang laban, bukod pa riyan ay binawasan pa ng 36 points si Ponpitak.
Ito ay matapos ang paulit-ulit na pagtulak ng Thai fighter kay Ancajas sa pagsisimula ng round 5, habang nagpapalitan ng suntok ang dalawa sinimulan ni Ponpitak ang pag-clinch at panunulak kay Ancajas sa kanto, na nagtulak na sa referee na ideklarang panalo si ‘Pretty Boy’ sa pamamagitan ng disqualification.
Itinuturing naman ni Ancajas na tagumpay ang kaniyang comeback fight kontra kay Ponpitak dahil napabagsak din niya ang Thai boxer.
Sa ngayon, hawak ni Jerwin ang boxing record na 35 panalo, apat na talo at dalawang tabla (na may 23 knockouts), habang si Ponpitak naman ay nahulog sa 30 panalo at 20 pagkatalo