Boxing: Referee at mga hurado sa Jerusalem vs. Castillo fight inilabas na ng WBC
Inilabas na ng World Boxing Council ang mga pangalan ng mga hurado at referee para sa malalapit na pakikipagduwelo nina Pinoy Boxer Melvin Jerusalem at Luis Castillo ng Mexico sa Sept. 22.
Napiling maging hurado sa laban ni Jerusalem at Castillo ang Koreano na si Shin Kyoung-ha, Stephen Blea ng Amerika, at Arnulfo Nejera ng Pilipinas.
Si Yuji Fukuji ng Japan naman ang magsisilbing referee sa laban.
Dedepensahan ni Jerusalem ang ang kaniyang WBC minimumweight crown laban kay Castillo sa Mandaluyong City.
Matatandaang si Jerusalem, ay lumaban at nanalo sa WBC plum noong Marso sa pamamagitan ng paggitgit kay Yudai Shigeoka ng Japan sa pamamagitan ng split decision sa Nagoya.
Sa ngayon, may hawak si Jerusalem na boxing record na 22-3-0 win-loss-draw record na may 12 knockouts, habang si Castillo naman ay may walang talo na 22-0-1 card na may 13 knockouts.