Boxing: Carl James ‘Wonder Boy’ Martin target makasungkit ng world title

Libert Ong (@braveheartkid)
Photo Courtesy: Martin FB Page

Pinupuntirya ngayon ni WBO super bantam weight champion Carl Jammes “Wonder Boy” Martin na manalo sa debut fight nito laban kay Mexican boxer na si Anthony Jimenez Salas sa Setyembre 6 sa Sinaloa, Mexico.

Si Martin ay may boxing record na 23-0, 18 knockout habang hawak naman ni Salas ang boxing record na 18-9-1. 

Matatandaang huling nakalaban ni Martin si Chaiwat Buatkrathok ng Thailand, noong Disyembre sa Maynila kung saan nanalo si Martin via TKO.

Nais ni Martin na mapahaba pa ang kaniyang winning streak at makatuntong din sa isang world title bout na hindi malayo matapos na umangat ang kaniyang pwesto sa rankings, kasama ang kaniyang mga kababayang sina dating unified 122-lbs titlist Marlon Tapales.