Bomogao at Zamboanga, nakasungkit ng panalo sa One Championship

Rico Lucero
Courtesy: One Championship

Hindi nabigo ang dalawang Filipina fighter ng bansa na makuha ang tagumpay sa kanilang laban nitong nakaraang weekend. 

Unang nasungkit ni Filipina Muay Thai fighter Islay Erika Bomogao ang kanyang ikalawang panalo matapos makuha ang unanimous decision kontra sa naging kalaban nitong si Chinese fighter Ran Longshu sa ONE Friday Fights 93 sa Lumpinee Stadium sa Bangkok, Thailand nitong Biyernes ng gabi, January 10. 

Sa opening round ng kanilang pagtutuos ay nagpakita agad ng pagiging agresibo ang kalaban nitong Chinese subalt ipinakita ni Bomogao ang kanyang depensa at pinatikim agad ng sunod-sunod na combo punch ang chinese fighter hanggang sa tuluyan nang makuha ang bentahe sa kalaban. 

Dahil sa panalo ni Bomogao, mayroon na itong 2-0 win-loss record. 

Samantala, gumawa naman ng kasaysayan si mixed martial arts (MMA) fighter Denice “ The Menace” Zamboanga matapos nitong talunin ang Ukrainian grappler na si Alyona Rassohyna sa pamamagitan ng second round technical knockout, nitong Sabado, January 11, sa co-main event ng ONE Fight Night 27 sa Lumpinee Stadium sa Bangkok, Thailand.

Para makuha ang panalo, ginamitan ng 27-anyos na Pinay fighter ng kanyang striking skills gamit ang  mga asintadong  bitaw ng mga suntok at magandang depensa sa grappling upang malampasan si Rassohyna na sinubukang gamitin para kay Zamboanga.

Itinigil na ng referee ang laban sa oras na 4:47 kasunod ng mga banat sa siko at suntok sa ground and pound ni Zamboanga at nalagpasan ang tangkang ankle lock ni Rassohyna. 

Si Zamboanga na ngayon ang kauna-unahang Pinay mixed martial arts (MMA) fighter na nagwagi ng korona sa ONE Championship at nakuha ang impresibong panalo sa women’s MMA atomweight title.

Hindi naman makapaniwala si Zamboanga sa nakuha nitong panalo na kung saan ay inasam din umano niya ng ilang taon at ngayon nagbunga ang kanyang mga pagsisikap. 

“I’ve been aiming for this gold for years. I’m not here for short notice or something, I’ve made this from hard work, tears and everything. The delays and injuries, I’ve had a lot of injuries. Last two weeks ago I couldn’t move my left arm. But I didn’t want to cancel the fight because I know God will give me this belt. Thank you for giving me this opportunity,” ani Zamboanga. 

Growling Tigresses bigong masungkit ang kampeonato sa WMPBL

GedAustriaKentPastranaEkaSorianoAgathaBronRachelleAmbosUSTGrowlingTigressesBasketball
8
Read more

Pilipinas Aguilas nadagit ang kampeonato sa WMPBL Finals

PaoloLayugAlexisPanaMarPradoHaydeeOngEricAltamiranoPilipinasAguilasWMPBLBasketball
11
Read more

UST at Pilipinas Aguilas, target ang kampeonato mamayang gabi

KentPastranaEkaSorianoAlexisPanaOmaOnianwaRachelleAmbosUSTGrowlingTigressesPilipinasAguilasWMPBLBasketball
8
Read more

Petro Gazz Angels pasok na sa AVC Champions League Quarterfinals

GiaDayBrookeVanSickleMJPhillipsRemPalmaPetroGazzAngelsAVCPVLVolleyball
5
Read more

Women's Volleyball Nations League isasagawa sa bansa sa 2026

AlyssaValdezBernadettePonsJemaGalanzaRamonSuzaraAlasPilipinasVolleyball
9
Read more

Pons target naman ang beach volleyball pagkatapos ng AVC stint

BernadettePonsSisiRondinaCreamlineCoolSmashersAlasPilipinasVolleyball
4
Read more

Creamline, natalo sa lakas ng Kazakhstan sa AVC Champions League

AlyssaValdezBernadettePonsJemaGalanzaSherwinMenesesCreamlineCoolSmashersVolleyball
10
Read more

Valdez at Staunton pinangunahan ang panalo ng Creamline

AlyssaValdezEricaStauntonMichelleGumabaoJemaGalanzaCreamlineCoolSmashersVolleyball
6
Read more

Charly Suarez, tuloy ang ensayo sa Estados Unidos vs. Navarrete

CharlySuarezEmmanuelNavarreteDelfinBoholstPhilippineBoxingBoxing
6
Read more

Pilipinas, naka-bronze medal sa Asian U18 Athletics Championships

NaomiMarjorieCesarPhilippineAthleticsathletics
6
Read more

Philippine Athletics Championships 2025 isasagawa sa Tarlac City

LaurenHoffmanJohnTolentinoDariodeRosasJeoffreyChuaRelideLeonPhilippine Athleticsathletics
5
Read more

UST Growling Tigresses at Pilipinas Aguilas, maghaharap sa WMPBL Finals

EkaSorianoKentPastranaPrincessFabruadaGedAustriaJohnKallosUSTGrowling TigressesPilipinasAguilasGaleriesTowerSkyrisersDiscoveryPerlasWMPBLBasketball
12
Read more

Creamline, paghahandaan ang AVC Womens Champions League sa Linggo

AlyssaValdezBernadettePonsJemaGalanzaCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Converge, nasungkit ang kanilang unang panalo kontra Phoenix

AlecStocktonJustinAranaConvergeFiberXersPBABasketball
5
Read more