Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEala JelenaOstapenko PhilippinesTennis LatvianTennis Lawn Tennis
Jet Hilario
Screengrab courtesy: The Tennis Channel

Pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open ang Pinay tennis star na si Alex Eala.

Ito ay matapos na mag-retire sa third set si dating Grand Slam champion Jelena Ostapenko dahil sa injury. Natapos ang laro sa score na 0-6, 6-2, 3-2. 

Bagaman naging mabagal ang simula ni Eala ngunit nakabawi naman  ito sa ikalawang set at sa sa panghuli ay nakuha ang 3-2 na lamang bago tumawag ng medical timeout ang Latvian tennis star.

Sumakit ang kaliwang paa (left ankle) ni Ostapenko sa Set 3 at ng muling maramdaman ito sa ikalawang pagkakataon ay minabuti nitong magretiro na sa laro.

Sinabi naman ni Eala na hindi maganda ang ganitong panalo lalo na at may injury ang kapwa tennis player.

"It's never a good feeling to finish a match like that. I hope everything's okay with her because, you know, it was really a tough battle today, and I think both of us were on the brink," ani Eala pagkatapos ng laro. 

Umaasa ito na gumaling agad si Ostapenko kung saan maituturing na ang laro bilang rematch nila ng talunin muli ni Eala siya sa Miami Open.

"You know, it could have been anyone's match, so I wish her a speedy recovery and I'm super happy to be able to play again in this beautiful place," dagdag pa ni Eala.

Matatandaang una ng ginulat ng 20-anyos, 5-foot-9 tennis pride ng Pilipinas si Ostapenko noong Miami Open matapos ang isang straight-sets victory, 7-6, 7-5, na nagpasok sa kanya sa Round of 32. Ito rin ang kauna-unahang panalo ng isang Filipina laban sa isang world Top 3 player sa isang WTA 1000 event.

Bago pa man ang main draw, kinailangan munang makakuha ng panalo ni Eala sa dalawang qualifying matches para makapasok sa tournament proper—kung saan ito ay isang patunay ng  kanyang determinasyon at kahusayan sa larangan ng tennis.

Dahil dito, sunod na makakaharap ni Eala si Dayana Yastremska ng Ukraine kung saan ito ang kanilang unang beses na paghaharap sa WTA.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
1
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
1
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
3
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollies-JeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
4
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
4
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
4
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
4
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
4
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
9
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
24
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
31
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
25
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
25
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
21
Read more