Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

Nagtapos sa ika-apat na pwesto ang Alas Pilipinas sa first leg ng 2025 Southeast Asian V.League na isinagawa sa Candon City Ilocos Sur.
Ito ay matapos na matalo ito ng Indonesia, 19-25, 17-25, 17-25, dahilan kung kaya hindi nito nasungkit ang silver medal.
Higit pa rito, napansin ni Philippine National Volleyball Federation President Ramon “Tats” Suzara ang mga pagkakamali ng Alas Pilipinas kung kaya nahirapan din ang mga ito na makuha ang kampeonato at iyon ang dapat alamin ng koponan at sikaping mabago at lalo pang mapa-unlad ang kanilang kasanayan sa volleyball.
“The team needs to learn from their mistakes, their errors, two wins and two losses, but we still need to work harder,” ani Suzara.
Bagaman nagtapos sa ikaapat na pwesto, kuntento naman si Suzara sa kabuuan ng laro at laban ng Alas Pilipinas.
“...Overall it’s a good result with this young team,” dagdag pa ni Suzara.
Samantala, umaasa si Suzara na makakalaro na para sa national team sina injured veterans Marck Espejo na nagkaroon ng ankle injury at Bryan Bagunas na mayroon namang knee injury.
Kahit natalo sa torneyo, hinirang naman si Leo Ordiales bilang Best Opposite Hitter ng SEA V.League.
Nangako naman ang Team Alas Pilipinas na babawi sila sa 2nd leg ng SEA V.League.
“We fell short. Just a bit short, I believe we will recover from this soon,” sabi ni team captain Kim Malabunga.
