Aira Villegas pasok na sa quarter finals
Tila pumabor kay Aira VIllegas ang panahon at pagkakataon matapos na magwagi ito sa kaniyang laban kontra kay Algerian boxer athlete na si Romaysa Boulam.
Itinuturing ni Villegas na isa sa mga magandang regalo sa kanyang ika-29 na kaarawan ang pagkakapanalo niya sa laban.
Sa kanilang laro, dominado ni Aira ang laban mula una hanggang huling round dahilan kung kaya nakuha nito ang panalo sa pamamagitan ng unanimous decision sa score na 5-0.
Bagaman kabado sa pagsisimula, ipinakita pa rin ni Aira na hindi ito takot sa kalaban.
Sunud-sunod na kombinasyon ng suntok ang pinakawalan ni Villegas sa bawat round ng laban.
Pinilit pang humbal ng puntos ng Algerian boxer subalit hindi na pinayagan ni Villegas na makaporma pa ito sa kaniya hanggang sa matapos ang laban.
Dahil dito, abanse na si Villegas sa round-of-16 kung saan makakalaban naman nito ang French boxer athlete na si Wassila Lkhadir sa August 4 (Manila time)i.
Matatandaang isa din si Villegas sa mga nakapag-uwi ng bronze medal noong 2019 Southeast Asian Games at nag-qualify sa 1st Boxing World Olympic Qualification Tournament para makapasok sa Paris Olympics.