50th Golden Anniversary logo ng PBA pomal ng isinapubliko

WillieMarcial PBA PhilippineBasketballAssociation 50thGoldenAnniversary Basketball
Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Pormal nang isinapubliko ng Philippine Basketball Association ang kanilang anniversary logo kaugnay ng pagsapit ng PBA sa kaniyang ika-50 taong pagkakatatag nito. 

Ang logo ay nababalot ng kulay ginto at itim na silhouette ng nagdi-dribble na player sa gitna ng ‘B’ sa PBA kung saan ipinakikita nito na isa ang PBA sa mga pinakamatagal na liga sa bansa na nagsimula noon pang 1975.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, magsasagawa ang liga ng ilang mga festivities sa pagsisimula ng PBA Commissioner’s Cup semifinals.

“Yung 50th, eto po ay magsisimula na semifinals (ng Season 49 Commissioner’s Cup). Mapapansin n’yo patches muna (ang logo). ‘Yung players natin, referees, coaches, tayo. Isusuot at ipapakita na natin para sa fans natin,” ani commissioner Marcial.

Kasama ni Marcial sa launching nitong Lunes, Pebrero 10 sina chairman Ricky Vargas, Vice chair Alfrancis Chua at Governors ng 12 teams, kasama si PBA legend Allan Caidic at sina Janes Basas ng TV5/Cignal, at Guido Zaballero.

Sa Abril 4 at 5 naman sa Philippine Cup ay naka-embed na ang gold logo nila, at sa April 9 naman ay inaasahang ipapakilala na ang karagdagang 10 bagong players na idadagdag sa unang 40 para maging 50 Greatest Players ng PBA. 

Sa Mayo 2 hanggang 4 naman ay magsasagawa ang PBA ng special All-Star Weekend sa Panabo, Davao del Norte. 

Ayon naman kay PBA chairman Ricky Vargas, may mga nakalinya rin aniya silang mall at school tours at ang pagbabalik ng Homecourt – ang sorpresang pagbisita sa mga courts sa iba’t ibang barangay ng NCR.

"We are going to reach out to the community. We are going to reach out to the basketball fans, and we will redefine our relationship with basketball fans, and we will redefine our teams' relationship with the public," ani Vargas. 

“Marami kaming gagawin hindi para sa PBA, para rin sa mga tao na nagmamahal sa PBA,” sabi naman ni Chua. 

Pagsapit naman ng October 5, magkakaroon ng full blast ng celebration kung saan target nito ang opening ng Season 50 ng PBA.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more