Kilala ang NorthPort Batang Pier bilang isang koponan na laging nasa ilalim ng team standings, ngunit nag-iba ang ihip ng hangin nang magsimula ang PBA Season 49 Commissioner’s Cup.Sa unang salang pa lamang nag NorthPort sa mid-season conference, ipinakita na nila ang kanilang panibagong lakas ng talunin ang NLEX Road Warriors sa score na 114-87.Sinundan agad nila ang magandang panalo nang talunin nila ang Terrafirma Dyip sa score na 103-101.Nasubukan naman ang karakter ng Batang Pier nang makaharap nila ang Magnolia Hotshots at nakuha ang manipis na 107-103.Ipinakita naman nila na hindi na sila basta-bastang koponan sa ngayon ng talunin nila ang Governors’ Cup champions, TNT Tropang Giga sa isa pang dikitang laban, 100-95.Nakuha naman nila ang ikalimang sunod na panalo laban sa Converge FiberXers, 108-101.Napatid naman ang winning streak ng NorthPort ng makaharap nila ang noong-wala pang panalong Phoenix Fuel Masters, 109-115.Ngunit pagkatapos ng pagkabigo, muling bumangon ang Batang Pier at pinatumba ang guest team na Hong Kong Eastern, 120-113.Wala nang bibigat pa sa kanilang huling laban sapagkat dito nasukat ang kanilang kakayanan nang malagpasan nila ang matinding pressure nang makaharap nila ang crowd-favorite Barangay Ginebra San Miguel.Kahit na umabot ng 18 puntos na kalamangan ang NorthPort sa Ginebra, tatlo lang ang naging lamang ng Batang Pier sa never-say-die na Gin Kings ng matapos ang laro, 119-116.Sa panalong iyon,naipakita ng NorthPort na kaya na nilang makipagsabayan sa malalakas na koponan at handa na sila para sa iba pang mabibigat na laban.Matamis din ang kanilang naging panalo sa Ginebra sapagkat natapos na rin ang kanilang 14-game losing skid laban sa Gin Kings na ngayon lang nila muling natalo mula noong December 14, 2019. Ano nga ba ang dahilan kung bakit 7-1 ang win-loss record ng NorthPort Batang Pier ngayong Commissioner’s Cup?Unang-una ay nakakuha sila ng isang maasahang import sa katauhan ni Kadeem Jack, na fit rin ang laruan sa kanilang sistema.Mula ng dumating si Jack sa NorthPort, nagkaroon ng panibagong sigla ang koponan. Si Jack ay may average na more than 30 points per game at kahanga-hangang percentage sa painted area na mahigit sa 60 percent.Sa kanilang huling laro, nagtala si Jack ng 32 points (15-of-22 field goals) at 16 rebounds para tulungan ang Batang Pier makuha ang ika-pitong panalo sa walong laro.Ikalawang dahilan ay si Arvin Tolentino na nakakapagbigay sa kanila ng MVP numbers ngayong conference na ito.Si Tolentino ay may average na 24.7 points per game, 8.0 rebounds, 3.3 assists, 1.0 steals, and 1.1 blocks. Dahil sa mga numerong ito, nakakuha siya ng 40.8 statistical points, para pumangalawa sa Best Player of the Conference race na pinangungunahan ni eight-time PBA MVP June Mar Fajardo na may 44.8 SP.Pangatlo ay ang consistency sa laro ni Joshua Munzon. Sa kanyang ipinapakitang galing sa ngayon, hindi malayong makuha niya ang Most Improved Player award sa pagtatapos ng season.Sa kanilang huling panalo, nagpakawala si Munzon ng 27 na puntos, namigay ng anim na assists, kumawit ng dalawang rebounds, at kumuha ng dalawang steals, dahilan upang tanghalin siyang Best Player of the Game.Pati ang 25-time PBA champion coach na si Tim Cone ay napabilib ng NorthPort.“NorthPort is for real. They played really well,” saad ni Cone matapos silang talunin ng Batang Pier.“They gave our defense fits all game. And just that, they are for real. We had problems stopping them. Munzon and Arvin [they] are both playing at an MVP level, and their import is a great fit,” dagdag pa ni Cone.Isa pa sa mga dahilan ay ang kanilang supporting cast na kinabibilangan nila William Navarro, Fran Yu, Evan Nelle, Sidney Onwubere, Allyn Bulanadi, Abu Tratter, Damie Cuntapay, Cade Flores at Jio Jalalon.At panghuli ay si Coach Bonnie Tan.Simula ng dumating si Tan sa NorthPort bilang head coach, nagkaroon siya ng roller-coaster ride, pero nag-tiyaga ito.Nagbunga rin ang kanyang pagbibigay ng second chances sa kanyang mga players na sinuklian naman nila ng magandang performance at team chemistry."We challenged our players in tonight's game, it's a statement game for us," saad ni Tan tungkol sa kanilang panalo kontra Gin Kings. "Everyone is questioning our status because we don't win against big teams."Maari pang paigtingin ng NorthPort ang kanilang kampanya sa Commissioner’s Cup kapag naipanalo nila ang kanilang mga laban sa Meralco Bolts, Rain or Shine Elasto Painters, San Miguel Beermen at Blackwater Bossing.Kung magpapatuloy ang takbo ng kampanya ng NorthPort Batang Pier, maari silang maging title-contender sa kasalukuyang kumperensya.