Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

Bobby Rosales WillieMarcial Atty.OgieNarvasa JunnieNavarro TerrafirmaDyip Basketball
Jet Hilario
photo courtesy: PBA

Sa ngayon, hindi muna ipinagbibili ang prangkisa ng Terrafirma Dyip. 
Kung kaya naman namamalagi ang mga karapatan at pagmamay-ari nito sa Terrafirma Dyip.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nadiskaril ang negosasyon sa pagitan ng Dyip at Zamboanga Valientes sa pagbili sa prangkisa ng Terrafirma.

Sa press briefing ng PBA noong Biyernes, sinabi ni Marcial, na hindi umano nag-materialize ang deal ng dalawa kung kaya kasali pa rin ang Terrafirma sa susunod na season ng PBA sa Oktubre. 

“Nag-bog down ang negotiations, so hindi nag-materialize ang deal ng dalawa,” ani Marcial. 

Bagama’t nais sana ng Valientes team owner na si Junnie Navarro na bilhin ang franchise ng Terrafirma Dyip na pumasok sa liga bilang expansion team noong 2014, hindi nagkasundo ang magkabilang panig sa ilang mga kondisyon.

“Ang lumabas, may mga terms at requirements mula sa parehong teams na hindi nag-match. Siyempre, alam niyo naman ang negotiations, ‘di ba? May hinihingi ‘yong isa, may hinihingi rin ‘yong isa. Eh, mukhang hindi nagkasundo. Isa itong mutual decision na huwag nang ituloy ang bentahan.” pahayag ni PBA board secretary Atty. Ogie Narvasa.

Dahil dito,  tuloy ang laro ng Terrafirma Dyip at mananatili sa 12 teams ang maghaharap-harap sa pagbubukas ng 50th season ng PBA sa Oktubre. 

“Ang Terrafirma, patuloy pa rin sasali sa atin. So 12 teams pa rin tayo sa 50th season.” dagdag naman ni Marcial. 

Samantala, sinabi pa ni Narvasa na patuloy ang rebuilding process ng Dyip sa ilalim ng pamumuno ni governor Bobby Rosales, bilang paghahanda sa ika-50 season ng PBA.

“Nung meeting, sinabi ni governor Bobby na they have their plans already. “Hindi naman sinabi sa amin paano, siyempre hindi na sasabihin, strategy nila ‘yun. But he has plans to beef up and have a full lineup.” dagdag ni Narvasa.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
1
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
1
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
3
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollies-JeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
4
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
4
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
4
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
4
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
4
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
9
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
24
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
31
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
25
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
25
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
21
Read more