Valdez at Staunton pinangunahan ang panalo ng Creamline

Pinangunahan nina American import Erica Staunton at Philippine Phenom Alyssa Valdez ang kanilang panalo sa 2025 AVC Women’s Champions League kahapon, Abril 20, sa PhilSports Arena sa Pasig City, kung saan winalis ng Creamline Cool Smashers ang Al Naser, Jordan, 29-27, 25-20, 25-19.
Sa 1st set, pumalag pa ang Jordan squad bago nadomina ng Creamline ang sumunod na dalawang stanza. Naitarak ng Creamline ang biggest lead sa 22-16 sa third frame tungo sa panalo.
Kumamada si Staunton ng 17 points mula sa 13 attacks, isang block at tatlong service aces habang may 10 markers si Valdez para sa 1-0 baraha ng Cool Smashers sa Pool A.
Nakagawa naman ng siyam na puntos si Russian spiker Anastasiya Kudryashova kasunod ang walong marka ni Kazakh blocker Anastassiya Kolomoyets para sa 10-time PVL champions.
Nagbigay din ng kanilang ambag sina Jema Galanza, Pangs Panaga at Kylie Negrito.
Para kay Valdez, malaking tulong sa kanilang panalo ang tatlo nilang bagong import na sina Kolomoyets ng Kazakhstan, Kudryashova ng Russia at Ericva Staunton ng United States.
“We have 3 good imports, which we never had experience before. It was a good, good fight, and this is something new for us. We never had this before, but we are trying to work things on nga kasi short preparation. Iba ang system ng team bago itong competition but our imports, all out and all heart din sila,” ani Valdez.
Mamamayang gabi, haharapin ng Creamline ang Zhetsyu ng Kazakhstan para sa isa sa dalawang quarterfinals berth sa Pool A.
