Unang Gintong Medalya nasungkit ng Philippine Men’s Curling team

Nasungkit ng Philippine Men’s Curling Team ng ang kanilang unang gintong medalya ngayong araw, Pebrero 14, sa nagpapatuloy na 2025 Harbin Winter Olympics sa China.
Pinangunahan nina Alan Frei, Enrico Pfister, Christian Haller, Marc Pfister, at Benjo Delarmente ang panalo ng Pilipinas kontra South Korea, 5-3.
Matatandaang una na ring tinalo ng Filipino curlers, na sina Christian Haller at Alan Frei, ang kanilang mga Taiwanese na kalaban, 11-3, para i-set up ang knockout qualification match laban sa Japanese squad na binubuo nina Ryo Aoki, Haruki Watanabe, Ayumu Hemmi at Rin Kyotoh.
Tinalo din ng Men’s Curling team ang Japan, 10-4, at nitong huli ay tinalo ng Pilipinas ang host country na China, 7-6, dahilan kaya nag qualified ang bansa sa finals para harapin ang South Korea.
Hindi naman mahulugan ng saya ang Men’s Curling team ng bansa dahil para sa kanila, isang makasaysayan ang pagkakasungkit ng unang gintong medalya sa Winter Olympics sa ganitong uri ng sporting event.
