UAAP: Lady Warrior Khy Cepada, papasanin ang UE sa season 87

KhyCepada UELadyRedWarriors UPFightingMaroons Volleyball
Rico Lucero
photo courtesy: UAAP Media

“Mahirap man, pero kakayahin.”

Iyan ang pananaw ng isang third year BS in Financial Management student ng University of the East, at Open Hitter ng volleyball team na Lady Warriors. 

Imbes tanawing negatibo ang mga di kanais-nais na nangyari sa kanilang koponan nitong nakalipas na season, tinatanaw na lang itong positibo ni Khy Cepada. 

“It’s a hard thing kasi I thought ‘yon na yung lineup, kumpleto kaming magste-stay. Ginawa namin siyang positive rin kasi hindi naman kami iniwan ni Coach Obet na walang wala rin. We still have the pieces to play and show what we’re capable of,” ani Cepada. 

Mabigat ang responsibilidad na nasa balikat ngayon ni Cepada dahil pangungunahan nito ang UE Lady Warriors sa muling pagbubukas ng UAAP Season 87 lalo na at nawala pa sa kanilang hanay ang mga dati nitong mga kasamahan na sina Casiey Dongallo, Kizzie Madriaga, at Jelai Gajero.

Sa kanyang mga kapwa manlalaro na din ito humuhugot ng lakas at inspirasyon dahil sa nariyan pa rin ang iba niyang teammate at at ibang coaching staff lalo na si coach Allan Mendoza na naka suporta sa kanila.

“I still have my teammates, support system, not everything is negative. Ginagawa na lang naming motivation kaysa sa distraction,” dagdag ni Capada.

Naglabas din saloobin ang interim coach ng UE na si coach Allan Mendoza ukol sa mga nangyari sa kanilang koponan lalo na nang mag-alisan ang mga key players ng Lady Warriors. 

“Sa amin, tinignan namin siya as positive. Yung mga nangyari sa amin for the past few months and past few weeks, we make it as motivation para sa amin. Linookout namin siya at a positive way para may chance yung iba para magshine and para ma activate yung players na meron kami,” ani Mendoza. 

Samantala, hinangaan naman ni former UE Lady Warriors head coach at ngayon ay UP Fighting Maroons assistant coach Dr. Obet Vital ang naging performance ni Cepada sa volleyball noong nakaraang season kung saan nagpakita rin umano ito ng pagiging agresibo sa paglalaro. 

Nainiwala din si Vital sa kakayahan ni Cepada na pangunahan ang Lady Warriors at madala ito sa Finals. 

“I've been watching Khy's film in the past like last year, so she did a wonderful job last year leading the team [in] scoring, being enthusiastic, and being aggressive, so I'm looking for that. I never gave up on her. She and I talked about this. I continuously put her on the court because alam ko anong kaya niya and today she showed it, Alam ko kaya nila eh,” ani Coach Vital.

Bukas, Sabado. February 15, haharapin ng UE Lady Warriors ang UP Fighting Maroons para sa women’s volleyball game sa SM Mall of Asia Arena.  

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more