UAAP: DLSU tinabla ang UP fighting Maroons sa Game 2; 76-75
Pinilit ng De La Salle Green Archers na itabla sa 1-1 standing ang serye ng UAAP Season 87 men's basketball tournament nitong Miyerkules ng gabi, December 11, sa MOA Arena, 76-75.
Umpisa pa lang ng laro ay naging mainit na agad ang laban sa pagitan ng Green Archers at ng Fighting Maroons. Dahil naman sa panalo ng De La Salle ay na pwersa itong tumuloy sa Game 3. Ipinakita din ng Green Archers ang kanilang solid na opensa at depensa, dahilan kung kaya naman hawak nila ang kalamangan sa pagtatapos ng halftime.
Bumida sa panalo ng Green Archers si si Kevin Quiambao kung saan nagtala ito ng 22 points, siyam na rebounds, dalawang assists, at isang steal, habang nag-ambag si Mike Philips ng 18 points, 12 rebounds, 2 steals, at 1 assist.
Ayon kay Green Archers head coach Topex Robinson, isa sa mga naging susi ng kanilang panalo ay ang tiwala sa magagawa ng isa’t-isa lalo na ang pagkakaroon ng tiwala sa Maykapal na siya umanong makapagbibigay sa kanila ng panalo o ng pagkatalo at nagpasalamat sila at sa kanila ibinigay ngayon ang panalo.
“We put our total trust in each other. That's why when we pulled through, all of us had the same faith, all of us had the same experience. We just trust each other. God is so good. Not just because we won, but because God has been there for us in the highs and lows. Again, the win was just given to us,” sabi ni coach Robinson.
Samantala, nasayang naman ang naging pagsisikap ni JD Cagulangan na nakapagtala ng 16 puntos, pitong rebounds, at limang assist.
May pagkakataon pang makuha ng UP ang kampeonato sa pamamagitan ng free throws ni Francis Lopez ngunit naminits niya ang mga ito.
Sa December 15, nakatakda ang Game 3 sa pagitan ng DLSU at ng UP na isasagawa sa Smart Araneta Coliseum.