TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

Tuluyang nadiskaril sa Game 5 ang TNT Tropang Giga sa kanilang laban kontra Barangay Ginebra kagabi, Linggo, March 23, 2025 sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
Bagaman sa unang dalawang quarter ng laro ay pumabor sa kanila ang mga puntos kung saan napanatili ng TNT ang 10 points na kalamangan, subalit naiba ang ikot ng bola pagpasok na ng second half hanggang unti-unti nang nababawasan ng Gin Kings ang lamang ng Tropang Giga, kahit pa humakot si import Rondae Hollis-Jefferson ng 19 points at 12 boards at may 19 points din si Rey Nambatac para sa kanilang koponan.
Hindi na nakaiskor ang Tropang Giga at nabaon na sa 66-73 ang iskor sa natitirang 50.9 segundo pagkatapos makapuntos ni Ginebra import Justin Brownlee.
Dismayado din si TNT head coach sa pagkakatalo ng koponan 73-66, lalo na sa inasal ni Poy Erram kung saan nakasagutan pa niya ito.
Ayon kay Reyes, nagsasawa na umano ito dahil hindi naman din daw marunong makinig si Erram sa ibinibilin nito sa kaniya.
“I just got fed up with all the antics. So I had to let him have a piece of my mind. Kung hindi ko siya mapagsabihan, e ‘di siya mag coach na lang,” ani Reyes.
Dahil sa nangyaring komosyon at sa hindi magandang ugali na ipinakita ni Erram ay nag-walk-out na lang si Reyes.
Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang former Gilas Pilipinas coach na makukuha nila ang panalo sa Miyerkules, March 26, kontra Gin Kings, kung kaya naman tinawagan din ni Reyes ng pansin ang kanyang mga manlalaro na mag-regroup kung gusto nilang makuha ang winner-take-all Game 7.
“This is not over. They need four wins to win the championship. But like you see, it's a tough team that we're playing. We can't make the mistakes we're making against the National Team. We're playing Gilas, the first five.” dagdag pa ni Reyes.
The Scores:
GINEBRA 73 – Brownlee 18, Thompson 16, J.Aguilar 11, Ahanmisi 11, Rosario 6, Malonzo 6, Holt 3, Abarrientos 2, Tenorio 0.
TNT 66 – Hollis-Jefferson 19, Nambatac 19, Oftana 8, Pogoy 8, Aurin 8, Erram 4, Heruela 0, Williams 0, Exciminiano 0, Khobuntin 0
Quarter Scores: 17-24, 35-45, 57-56, 73-66.
