TNT naitala ang ikatlong panalo matapos talunin ang Meralco

RondaeHollis-Jefferson CliffHodge CalvinOftana AkilMitchell ChrisNewsome TNTTropangGiga MeralcoBolts PBA Basketball
Keanna Wren
PHOTO COURTESY: PBA

Naitala ng TNT Tropang Giga ang kanilang ikatlong panalo matapos nilang lagpasan ang late-game surge ng Meralco Bolts, 101-99, sa pagpapatuloy ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup sa Philsports Arena noong Martes, Enero 7.

Naipanalo ng Tropang Giga ang laro sa pamamagitan ng game-winning free throws ni import Rondae Hollis-Jefferson matapos siyang mafoul ni Cliff Hodge, mayroon na lamang 10 segundong natitira. 

Si Calvin Oftana naman ang pinangalanang Player of the Game matapos niyang makapagtala ng 24 points, four rebounds, at two assists.

Nakapagsagawa ang TNT ng 23-point lead matapos ang kanilang 19-day break sa liga ngunit nakagawang ipatas ng Meralco ang iskor sa 99-all. Kaya pa sanang maipanalo ng Bolts ang laro kung naipasok lamang ni Hodge ang kanyang huling tira, mayroong tatlong segundong natitira pa sa laro.

Nakapagtapos naman ang TNT super import na si RHJ ng 24 na puntos, kasama ang 13 rebounds, at five assists. 

Si Meralco import Akil Mitchell naman ang nanguna para sa Bolts kung saan ay nakapagrehistro rin siya ng 24 points kasama ng 18 rebounds, at seven assists, habang si Chris Newsome naman ay nagdagdag ng 19 markers at walong assists. 

Ang panalo ng TNT ang naglagay sa kanila sa ikapitong pwesto sa team standings at nag-improve sa record na 3-2. 

Haharapin ng TNT ang Converge sa Sabado, Enero 11, habang ang Meralco naman ay nakatakdang kalabanin ang NLEX sa Biyernes, Enero 10.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more