SMB bigo sa unang sabak sa EASL vs. Korean Basketball League

Rico Lucero
photo courtesy: EASL Images

Nabigo ang San Miguel Beermen sa kamay ng Suwon KTO Sonic Boom 87-81 sa opening game ng East Asia Super League 2024-2025 Season na ginanap sa Mall of Asia Arena nitong Miyerkules ng gabi.

Hindi kinaya ng Beermen ang hagupit na hatid ng import na si Rayshaun Hammonds nang makagawa ito ng 39 points at 14 rebounds kontra sa reigning PBA Commissioner's Cup champion.

Bagaman hawak pa ng Beermen ang kalamangan sa halftime game, 43-39, pagdating naman ng third quarter ay umarangkada na ang Suwon at hindi na binigyan ng pagkakataon ang Beermen na makahabol pa ito lalo na nang magpakawala na si Hammonds ng 19 sa kanyang kabuuang point production. 

Kahit na bigo ang Beermen, pinuri pa rin ni SMB head coach ang kanyang koponan at kinilala nito ang giting ng koponan sa kanilang laro at laban kontra Suwon. Hindi rin naman masabi ni Gallent na kay sila natalo ay dahil na rin sa sobrang pagod na ng kanyang koponan lalo na at galing pa sila sa laban nitong Martes ng gabi at halos isang oras lang umano ang kanilang naging ensayo bago ang kanilang laban. 

"In the first half of this game, everybody played great and hard. As for us, it was just those small things coming in the end game that cost us the game," sabi ni coach Gallent. 

"I don't think [it affected us]. We practiced for just an hour yesterday, and we just watched the video of who we played now. EJ was even a huge factor because he came from this team. He helped us a lot in scouting the players," dagdag pa niya. 

Samantala, isang dahilan din kaya natalo ang Beermen ay dahil sa hindi paglalaro ni Terrence Romeo sa EASL nitong Huwebes. Ayon kay coach Gallent, maari aniyang nagkaroon ng problema sa dokumento ni Romeo kung kaya hindi ito napabilang sa roster ng mga maglalaro sa EASL. 

Matatandaang si Romeo ay bahagi ng 10 lokal na pinangalanan sa roster ng Beermen para sa pagsisimula ng bagong season ng EASL kung saan kasama sina CJ Perez, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Chris Ross, Don Trollano, Jericho Cruz, Mo Tautuaa, Rodney Brondial, at Kris Rosales. Habang naiwan naman sina Vic Manuel, Jeron Teng, Simon Enciso, Kyt Jimenez, at rookie Avan Nava, at magsisilbing import ng SMB  sina EJ Anosike at Quincy Miller.

“I think he had problem with his passport. I think one of the reasons yun kasi I think he submitted his passport just today. I think. But I’m not sure.” paliwanag ni Gallent.

The scores:

Suwon KT Sonicboom (87) -- Hammonds 39, Heo 17, Han 14, Ha 9, Tilmon 8, Moon 0, Choi 0, Lee 0, Moon 0, Park 0, Ko 0.

San Miguel (81) -- Anosike 34, Fajardo 19, Miller 8, Lassiter 8, Perez 7, Rosales 3, Trollano 2, Tautuaa 0, Ross 0, Cruz 0.

Quarter Scores: 23-20; 39-43; 68-62; 87-81.