SMB aminadong nagkulang sila sa effort at higpit ng depensa kaya natalo sa Gin Kings

Rico Lucero

Aminado si SMB head coach Jorge Gallent na may pagkukulang ang kanilang koponan kung kaya natalo sila sa Game 1 laban sa Barangay Ginebra nitong Miyerkules sa kanilang Game 1 para sa sa best-of-seven semifinals ng  PBA Season 49 Governors’ Cup. 

Ayon kay Gallent, nagkulang sila sa effort maging ang kanilang depensa at opensiba ay naging mahina din. Sinabi pa ni Gallent na hindi rin excuse at rason  ang kanilang pagkatalo dahil sa  pagod sa mga nakaraang laro nila.  

"Walang effort and walang discipline on defense. ‘Yun ‘yung word. No discipline on defense and no patience in offense. That cost us the game,” sambit ni Gallent. 

 “It’s not a reason kasi nag-rest naman kami ng dalawang araw. Not a reason at all,” dagdag pa ni Gallent.  

 Ito rin ang naging assessment ni SMB team consultant Leo Austria na ibinahagi niya sa Laro Pilipinas. Aniya, natuto na ang SMB sa nakaraang laro at dapat ay magpakita na sila ng aggressiveness sa Game 2.  

 "We already learned from our mistakes and lapses last night, because the effort was not there. But I think it is more of a mental approach now to be more comfortable that going into semifinals is it should be harder," paliwanag ni Austria.

 Para naman sa mga players ng Beermen, aminado rin sila na nagkulang ang kanilang effort sa Game 1 at hindi naging maganda ang paraan ng kanilang paglalaro kontra Gin Kings.  

 Hindi rin nila akalain na lubos silang pinaghandaan ng Gin Kings kung paano sila tatalunin.  

 “Actually, problema talaga namin depensa. Ang sama ng depensa namin. "Hopefully next game, sa amin naman, pero I’ll do better next time,” ayon kay CJ Perez. 

 "Napaghandaan talaga nila (Barangay Ginebra) kami," sambit naman ni Rodney Brondial.

 "They have a great plan against us. We missed all of our 3 point shots.  We have to play now in good defense, we really paid for our bad defense," sabi ni Jeron Teng.  

Bagaman natalo ang SMB sa game 1, nagkaisa naman ng damdamin ang koponan na maipanalo nila ang laban at makuha ang panalo sa Game 2. 

"We win as a team, lose as a team. Everyone has to do their part.  We just have to prepare better," ani Beermen import EJ Anoskie

"We'll do our best.  We'll follow our game plan. We need to give our best,” pagbabahagi naman ni eight-time MVP June Mar Fajardo.

Gaganapin ang Game 2 ng kanilang serye ngayong Biyernes, 7:30 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more