PVL: Petro Gazz napigilan ang panalo ng PLDT
Nakuha ng Petro Gazz ang kanilang ikaapat na panalo kontra PLDT 12-25, 25-14, 25-22, 25-20, sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference nitong Martes ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nanguna sa panalo ng Angels si Myla Pablo na nakapagtala ng 19 points mula sa 17 attacks at dalawang blocks. Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Petro Grazz para sa kanilang 4-1 record.
Nag-ambag naman ng 21 puntos mula sa 18 attacks, 2 blocks at 1 ace ang Fil-Am na si Brooke Van Sickle kung saan itinuturing nitong mabigat na hamon ang naging laban nila kontra sa PLDT.
“We just stayed together. We make things happen in every challenge that we face. We have a good turnaround. We just focused on our game. We know this team can be better and we showed it today,” ani Van Sickle.
Dahil naman sa panalo ng Petro Gazz ay nasungkit na nito ang ikalawang pwesto na mayroon, habang ang PLDT naman ay pumalo na sa ikaapat na pwesto kung saan ay mayroon na itong 3 panalo at 2 talo.
Isa rin sa susi ng panalo ng Angels ay ang team effort ng koponan at lahat ng players ay nagtatrabaho ng maayos. Nagtulong din sa third set sina Van Sickle, Pablo at Sabete para ilista ang 2-1 bentahe at tinuluyan ng selyuhan ang kanilang panalo sa fourth frame.
“I thought everyone did a fantastic job all day round, everyone’s is firing, PLDT is always a fantastic team, so this is a fun match,” dagdag pa ni Van Sickle.