Pinoy young golfer nasungkit ang first runner up sa Malaysian International Junior Open 2024

JavieBautista MalaysianInternationalJuniorOpen2024 Golf
Rico Lucero

Pinatunayan ni Javie Bautista sa sambayanang Pilipino ang kanyang husay at galing sa larangan ng golf laban sa mga nangungunang junior golfers sa buong mundo para makakuha ng runner-up spot. 

Ito ay matapos na makuha at masigurado ang first runner-up sa isinagawang Malaysian International Junior Open 2024 nitong nakaraang linggo.

Ang 12-anyos na Pinoy golfer ay nagpakita ng kanyang galing sa pamamagitan ng back-to-back rounds score na 71 sa sa Tanjung Puteri Golf Resort sa Johor. 

Nakuha ni Bautista ang kabuuang 142 strike sa pamamagitan ng dalawang stroke lamang laban  kay Japanese Ryusei Kuroiwa, na nasungkit ang tagumpay sa 68-72 performance para sa 140 sa Boys 10-12 category.

Ayon sa 12 years old na estudyante ng Ateneo de Manila University, masaya siya dahil nagkaroon ito ng pagkakataon na makasali sa mga international competition dahil marami siyang matutuhan lalo na sa larong golf at naglalayon pa na maging mahusay na golfer. 

“I’m grateful for the experience of competing with so many talented young golfers. There’s always something to learn, and I’m looking forward to improving my game.” ani Bautista. 

Ang Grade 7  junior golfer ay buong tapang na nakipagkumpitensya sa mga highly skilled 52-players na mula sa Korea, Vietnam, Thailand, China, Singapore at India, kung saan  nagpakawala siya ng clutch birdies sa Nos. 15 at 16 bago nagpalabas ng magaspang na pars, at  ma-secure ang kanyang podium finish sa isang dramatic na final stretch.

Ang daan patungo sa Top 3 ay hindi naging madali dahil sa mahigpit niyang ka-kumpetisyon na si Nguyen Quoc Bao Huy ng Vietnam, na nagtulak sa kanya saglit palabas ng podium, subalit hindi nawalan ng loob ang batang golfer at kahanga-hanga itong bumalik sa podium. 

Nalampasan ni Bautista si Nguyen sa countback para makuha ang runner-up honors. Ito ay patunay na ang kanyang kakayahang umunlad sa mga sitwasyong may mataas na pressure at isang kahayagan ng lumalagong kasanayan nito bilang isang junior golfer.

Samantala, ang kapwa Pinoy golfers na sina Jared Saban, Luis Espinosa at Edward Guillermo ay gumawa rin ng mga hakbang sa torneo, na nagtapos sa ikapito, ika-11 at ika-15 pwesto. Nagtala si Saban ng 149 pagkatapos ng final-round 73, si Espinosa ay nag-rally ng 74 para sa kabuuang 151, at si Guillermo ay nag-improve ng 75 para sa 154.

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
6
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
8
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
6
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
8
Read more