Pinoy weightlifter nakasungkit ng gintong medalya sa Peru

Nasilat ng Pinoy lifter ang gintong medalya sa nagpapatuloy na 2025 World Youth and Junior Championships na ginanap sa Lima, Peru nitong Mayo 4, 2025.
Napanalunan ni Albert Delos Santos ang nasabing medalya at nakuha ang titulo sa Junior 67kgs class at sa pagbuhat ng 51kgs na higit pa kaysa sa kanyang huling kabuuang kompetisyon matapos na makabawi mula sa injury nito sa likod.
Si Delos Santos ay gumawa ng 134-175-309, halos dalawang taon pagkatapos ng kanyang kabuuang 258kg sa Asian Juniors noong 2023, subalit natanggal siya sa World Juniors noong nakaraang taon dahil sa kanyang pinsala sa likod.
Pagtitiwala sa sariling kakayahan at maging ang tulong na mula sa kanyang paaralan ang pinagsaligan ni Delos Santos kung kaya nakamit niya ang tagumpay sa weightlifting.
“I knew I could do it. I had a bad time with my back injury last year, everything was so dark for a time. But I got a lot of help, I was excused by my university to prepare for these Championships and I put total concentration into it,” ani Delos Santos.
Sa pagkakapanalo ni Delos Santos, pinasalamatan niya ang kanyang ina at coach dahil sa walang sawang suporta at pag-gabay na ibinibigay sa kanya.
“I owe them both so many thanks, It has all taken a lot of time. The last time I made a total it was in 2023 when I was still a 61. All that’s happened since then… that’s the beauty of sport, really,” dagdag pa ni Delos Santos.
