Pinoy Masters 45 up bigo sa Game 2 vs. Lithuania

Bigo ang Masters Pinoy 45 up na masungkit ang Game 2 kontra Lithuania sa nagpapatuloy na World Masters Games 2025 sa Taipei, Taiwan nitong Sabado, Mayo 24.
Bagaman ginawa ng Masters Pinoy 45 up ang kanilang buong makakaya para maipanalo ang laban subalit naging bentahe at advantage ng kalaban ang height at pagtira sa labas gayundin ang matinding opensa na ipinakita ng kalaban.
Ito rin ang naging obserbasyon ni Victor Oliver Agapito at sinabi nitong mas lalo pa umano nilang paghahandaan ang kanilang mga susunod na laban hanggang sa umabot sila sa finals.
“Hopefully, magworkout pagnakatapat namin sila ulit,” ani Agapito.
Para naman kay Rendell Dela Rea, pag-aaralan nila ang istratehiya ng kanilang kalaban para sa susunod na makaharap uli nila ito ay alam na nila ang kanilang gagawin para manalo.
“Pinag-aaralan na namin ang strategy nila kaya team effort ang challenge gagawin namin,” ani Dela Rea.
Umaasa naman si Masters Pinoy Pilipinas Basketball Head Coach Arlene Rodriguez na makakaabot sila sa finals at makukuha ang kampeonato sa World Masters Games sa taong ito.
Binanggit din ni Rodriguez sa kaniyang mga manlalaro na dapat silang matalino sila sa paglalaro at sipagan pa ang kanilang trabaho sa loob ng court at higpitan ang kanilang depensa.
“Kailangan magkaroon tayo ng Play smart, & Go Harder on defense, kailangan mas maging agresibo tayo ngayon. Importante ang laban na ito” ani Rodriguez.
