PH bets sasabak na sa 2024 Paris Paralympics

Jet Hilario
Banner by: Karen Ann Mantukay

Kasunod ng tagumpay ng Team Philippines sa katatapos na 2024 Paris Olympics, ang delegasyon namn ng Paralympics ng Pilipinas ay handa nang gumawa ng kasaysayan sa kanilang pagsabak sa 2024 Paralympic Games na magisisimula sa Agosto 28. 

Ang anim na Paralympic team ng bansa ay umalis patungong Paris noong Linggo, Agosto 11, habang ipinagpatuloy nila ang kanilang paghahanda para sa mga Palarong nakatakda mula Agosto 28 hanggang Setyembre 8.

Mula nang sumali ang Pilipinas sa Paralympics noong 1988, nanalo ang bansa ng dalawang bronze medals. Ang Pilipinas ay nagpapadala ng kabuuang anim na Paralympians sa Paris kasama ang delegasyon ngayong taon na gustong gumawa ng kasaysayan.

Nangunguna sa listahan ang isa sa mga pinakamagaling na atleta ng Paralympic sa bansa, ang beteranong manlalangoy na si Ernie Gawilan, sa pagpasok niya sa kanyang ikatlong Paralympics stint pagkatapos makipagkumpitensya noong 2016 sa Rio Olympics  at 2020 Tokyo Olympics.

Ang 33-anyos na si Gawilan, na gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipinong nanalo ng ginto sa Asian Para Games noong 2018, siya ay isa ring multi-time na ASEAN Para Games gold medalist at nakahanda para sa kung ano ang maaaring maging pinakamalakas niyang pagkakataon na makakuha ng isang Paralympics medal ngayong taon.

Makakasama niya ang kapwa para swimmer na si Angel Otom, na nakahanda na bumuo sa kanyang kahanga-hangang tagumpay mula sa 2023 ASEAN Para Games, kung saan nanalo siya ng apat na gintong medalya, habang naghahanda siya para sa kanyang debut sa Paris 2024 Paralympics sa edad na 20 lamang.

Ang wheelchair racer na si Jerrold Mangliwan ay nagbabalik din para sa isa pang Paralympics campaign bilang nangungunang medal contender kasunod ng kanyang impresibong kampanya sa Tokyo Olympics kung saan nagtakda siya ng personal na marka kahit na hindi siya makaabot sa podium.

Ang husay na 44-taong-gulang ay inaasahang iiwan ang lahat sa track, dahil maaaring ito na ang kanyang huling Paralympic Games.

Sa kanyang Paralympics debut, kakatawanin ni Cendy Asusano ang Pilipinas bilang nangungunang contender ng bansa sa javelin throw sa Paris 2024.

Nakatakdang gawin ni Agustina Bantiloc ang kanyang Paralympics debut sa edad na 55, na naging unang Filipino paralympic archer sa kasaysayan na lumaban sa pinakamalaking entablado ng sport.

Kinakatawan ang bandila sa taekwondo event, si Allain Ganapin ay babalik para sa kanyang ikalawang Paralympics appearance pagkatapos mag-qualify noong Marso 20. 

Sa wakas ay gagawa na si Ganapin ng kanyang unang opisyal na bid matapos niyang makitang naputol ang kanyang kampanya sa Tokyo Olympics bago pa man magsimula matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

Sinimulan na ng mga Filipino para athletes ang kanilang pagsasanay sa Nîmes, France. 

Umaasa ang Philippine Team na magdagdag ng ginto sa maliit na koleksyon ng mga medalya sa Paralympic Games.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
7
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more