PBA: Tropang Giga hindi nakaporma sa depensa ng Northport

Hindi nakaporma ang TNT Tropang Giga sa higpit ng depensang ipinakita ng Northport Batang Pier na nakuha ang ikaapat na sunod na panalo,100-95, sa kanilang sagupaan nitong Linggo ng gabi sa Ynares Center, Antipolo City.
Bagaman, napababa pa ng TNT ang kalamangan sa 97-95 sa natitirang 1:43 sa game clock nang maipaosk ni Rondae Hollis-Jefferson ang kanyang free throws subalit matagumpay namang naibuslo ni Joshua Munzon ang three points shot nito hanggang hindi na hinayaan pa ng Batang Pier na mabitawan pa ang kalamangan.
“I just take that shot with confidence.The play wasn't even for me but [my teammates] found me. Ako ay bukas (open) at ako ay masaya na ginawa ko ang shot na iyon. Confident ako sa sarili ko. Every time I shoot the ball, I think it's going in," sabi ni Munzon.
Sinabi naman ni Northport Batang Pier assistant coach Renzy Bajar na ang naging susi ng kanilang panalo ay ang kanilang ipinakitang matinding depensa laban sa TNT.
"Defense won it for us in this game. We know TNT has a lot of offensive threats and luckily we're able to stop their import - Rondae Hollis-Jefferson - in the second half. Plus factor doon 'yung defense nila Will Navarro, Josh Munzon and even Sidney Onwubere na nag-step up sa defensive scheme namin in the second half," ani Bajar.
Nanguna sa panalo ng NorthPort ang kanilang import na si Kadeem Jack na nagtala ng 27 points at 11 rebounds habang mayroong 20 points si Munzon at 17 points, 11 rebounds naman ang naitala ni Arvin Tolentino.
Nasayang naman ang nagawang 20 points ni Calvin Oftana at 19 points para kay Hollis-Jefferson para sa TNT.
Samantala, personal namang humingi ng paumanhin si Poy Erram kay PBA commissioner Willie Marcial at sa TNT team nito kasunod ng 2 flagrant foul penalty na ginawa nito laban kay Eastern guard Glenn Yang noong nakaraang weekend.
Ang beteranong big man ay pinatawan ng one game suspension at pinapagmulta ng P20,000 para sa naturang paglabag.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial inamin ni Erram na mali ang kanyang ginawa.
“Mali ako sa ginawa ko. Wala na akong masasabi pa,” Marcial quoted Erram.
Paliwanag pa ni Erram kay Marcial, nasaktan din umano siya nang itulak siya ni Yang sa gilid at napabagsak ng kaunti. Subalit nang ni review aniya nila ang tape ay nakita nila na may closed fist kaya pinatawan na nila si Erram ng suspension.
“Nung nakita ko yung tape, closed fist e. Kaya may suspension na kasama,” dagdag pa ni Marcial.
Makakaharap ng Northport sa Huwebes, December 12, ang Converge Fiberxers sa Ninoy Aquino Stadium, habang ang Tropang Giga naman ay susubukang makuha ang kanilang unang panalo laban sa Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa December 11, sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang mga Iskor:
NORTHPORT 100 -Jack 27, Munzon 20, Tolentino 17, Navarro 12, Nelle 8, Yu 6, Onwubere 4, Cuntapay 3, Bulanadi 3, Flores 0, Miranda 0
TNT 95 – Oftana 20, Hollis-Jefferson 19, Pogoy 17, Khobuntin 14, Galinato 10, Nambatac 9, Aurin 4, Razon 2, Heruela 0, Exciminiano 0, Ebona 0
QUARTERS : 26-22, 45-52, 72-73, 100-95
