PBA: Road Warriors nilampaso ang Terrafirma Dyip, 104-85

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nilampaso ng NLEX Road Warriors ang Terrafirma Dyip, 104-85, sa pagpapatuloy ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup nitong Martes ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Pinangunahan at binuhat ni Robert Bolick ang NLEX kung saan nakagawa ito ng 32 points limang assists, at apat na rebounds, habang humakot naman ang 6-foot-9 import na si Mike Watkins ng 26 points at 30 rebounds.


Nag-ambag din ng 15 points, apat na rebounds at isang steal si Xyrus Torres, habang 13 points, pitong rebounds at isang steal ang kontribusyon ni Tony Semerad.

Bagaman, nakakuha ng panalo ang NLEX, hindi naman naiwasang maitago ni coach Jong Uichico ang pagkadismaya sa kanyang mga bataan dahil sa itinayong 67-42 bentahe sa third quarter na pinutol ng Terrafirma sa 81-88 sa huling 4:49 minuto ng fourth period.

“Why do they have to weather the storm? They were in control of the game. Why do they have to put themselves in that situation? We gave up 55 points in the second half. It’s good that they weathered the storm,” ani Uichico. 

Ito na ang pangalawang panalo ng Road Warriors sa pagsisimula ng ng conference, habang nanatili namang wala pang panalo ang Terrafirma Dyip at mayroon nang tatlong talo. 

Sa December 8, susubukan ng NLEX na makakuha ulit ng panalo laban sa San Miguel Beermen sa Ynares Center, Antipolo City, habang susubukan parin ng Terrafirma Dyip na makasungkit ng unang panalo laban naman sa Meralco Bolts sa December 6, sa Ninoy Aquino Stadium. 

The Scores:

NLEX 104 -Bolick 32, Watkins 26, Torres 15, Semerad 13, Rodger 7, Herndon 3, Bahio 2, Fajardo 2, Valdez 2, Alas 2, Mocon 0, Amer 0, Marcelo 0.

Terrafirma 85 - Manuel 22, Melecio 10, Ferrer 10, Pringle 9, Zaldivar 7, Nonoy 6, Richards 6, Sangalang 5, Olivario 3, Catapusan 3, Hernandez 2, Paraiso 2, Ramos 0, Hanapi 0.

Quarter Scores: 27-11, 51-30, 75-62, 104-85

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more