PBA: Panalo ng NorthPort Batang Pier, napigilan ng Meralco Bolts

Napigilan ng Meralco Bolts ang inaasam na panalo ng NorthPort Batang Pier sa kanilang pagtutuos kagabi, January 14, sa Ninoy Aquino Stadium sa pagpapatuloy ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup. 111-94.
Para kay Chris Banchero, ibinigay nila ang kanilang buong makakaya dahil mahalaga sa kanila ang labang ito.
“It was a very important game for us. I was really excited to play NorthPort tonight because They were playing the best in this conference, so we really wanted to see where we at as a team and I thought we responded well tonight,” ani Banchero.
Ayon kay Meralco Bolts head coach, Luigi Trillo, napigilan nila ang offensive rhythm na ipinakita ng Batang Pier at mahusay nilang naitawid ang laban sa pamamagitan ng kanilang depensa.
“We played better defense as a team. We know this team can score the ball. They got guys like (Joshua) Munzon, (Arvin) Tolentino, (William) Navarro, their import also a perfect fit for them. Their import is also a perfect fit for them. I thought our bench, all around, coming out... even our bigs, Norbert (Torres), Kyle (Pascual), Raymond (Almazan) helping Brandon (Bates). Quality from them coming in," ani Trillo.
Samantala, nanguna sa panalo ng Bolts si Akil Mitchell na nagtala ng 30 points, 13 rebounds, limang steals at tatlong assists, habang mayroong 25 points, apat na rebounds at isang steal si Chris Banchero.
Ito na ang pang-anim na panalo sa siyam na laro ng Bolts kung saan tabla na sila ng Hong Kong Eastern, Barangay Ginebra San Miguel at Converge FiberXers, habang ang NorthPort ay mayroon nang pitong panalo laban sa dalawang talo, at nanatili pa rin sa unang pwesto sa team standings.
The Scores :
MERALCO 111 - Mitchell 30, Banchero 25, Newsome 15, Quinto 8, Rios 8, Cansino 7, Mendoza 6, Caram 5, Almazan 4, Reyson 2, Pascual 1, Bates 0, Hodge 0, Torres 0.
NORTHPORT 94 - Jack 29, Tolentino 19, Munzon 12, Navarro 11, Nelle 8, Onwubere 7, Miranda 5, Yu 3, Flores 0, Bulanadi 0, Taha 0, Cuntapay 0, Tratter 0.
Quarter Scores: 24-21, 54-44, 82-69, 111-94.
