PBA: Marcio Lasiter isinalba ang SMB vs. Phoenix 107-104
Isinalba ni Marcio Lasiter sa binigit ng pagkatalo ang San Miguel Beermen matapos maibuslo ang isang corner jumper sa 2.9 segundo ng oras na natitira sa laro laban sa Phoenix Fuel Masters, 107-104, nitong Martes ng gabi, December 3, sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang all-time three-point leader ng PBA ay tinapos ang laro na may 15 puntos, at tinulungan ang San Miguel na makamit ang tagumpay sa kanilang debut game sa Season 49 ng PBA Commissioner’s Cup.
Parehong nagpalitan ng mga tira ang magkabilang koponan sa huling dalawang minuto ng fourth quarter kung saan sinagot ni Quincy Miller ang basket ni Tyler Tio upang bigyan ang Beermen ng 103-102 cushion habang may natitira pang 1:04 sa laro.
Nahabol ng bagong Beermen na Andreas Cahilig ang kalamangan ng Phoenix, 87-71, sa pamamagitan ng pagpapakawala nito ng tatlong sunod-sunod na tres, at siya rin ang nagpabalik sa kanila ng kalamangan sa 98-95.
Ngunit muling binigyan ni Tio ang Fuel Masters ng liderato, 104-103, sa pamamagitan ng isang clutch lay-up sa 14.7 natitira bago maganap ang game heroics ni Lassiter.
Pinangunahan ni CJ Perez ang San Miguel na may 18 puntos, tatlong assists, at dalawang rebounds, habang si Quincy Miller ay may 14 puntos at 10 rebounds sa laro.
Samantala, sa panig naman ng Phoenix Fuel Masters, 37 points at 15 rebounds ang naitala ni Donovan Smith, habang 23 points, six assists, five rebounds ang naiambag naman ni Tyler Tio, at si Jason Perkins na mayroong 21 points, six rebounds at 2 assists.
Sunod na makakaharap ng San Miguel ang NLEX sa December 8, sa Ynares Center, Antipolo, habang ang Phoenix Fuel Masters naman ay makakalaban ang Barangay Ginebra sa December 13, sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.
The scores:
San Miguel 107 - Perez 18, Lassiter 15, Miller 14, Trollano 14, Cahilig 12, Cruz 8, Tiongson 8, Fajardo 8, Enciso 5, Ross 3, Brondial 2, Tautuaa 0.
Phoenix 104 - Smith 37, Tio 23, Perkins 21, Tuffin 7, Jazul 4, Rivero 4, Garcia 3, Manganti 3, Ballungay 2, Ular 0, Camacho 0, Verano 0, Alejandro 0.
Quarter Scores: 28-29, 54-49, 71-80, 107-104.