Pacio, pinatunayang siya ang hari ng Strawweight MMA World Title

JoshuaPacio ONEStrawweightMMAWorldChampion MixedMartialArts
Rico Lucero
photo courtesy: One championship

Pinatunayan ni Joshua “The Passion” Pacio na siya ang undisputed ONE strawweight champion matapos nitong makuha ang TKO win kontra sa kaniyang karibal na si American slugger Jarred “The Monkey God” Brooks sa kanilang ikatlong paghaharap nitong Biyernes, February 21 sa sa Lusail Sports Arena sa Doha, Qatar.

Hindi naging madali sa umpisa ang laban ni Pacio kay Brooks dahil halos naulit nangyari sa kaniya sa unang round ng kanilang laban na inipit muli siya nito at halos hindi pinakakawalan. 

Subalit, pagsapit ng second round ay ibinuhos na ng 29-anyos na tubong La Trinidad, Benguet at pambato ng Lions Den MMA ang bangis at sunod-sunod na suntok sa mukha para tapusin ang laban sa oras na 4:22, dahilan kaya tuluyan ng ipinatigil ni referee Muhammad Sulaiman ang laban.

Matatandaang unang nagbanggaan ang dalawang MMA starfighter noong huling bahagi ng 2022 sa ONE 164, nang makuha ni Brooks ang impresibong desisyon para abutin ang panalo at makuha ang undisputed strawweight MMA crown ng Pinoy.

At noong Marso 2024, nagkaroon muli sila ng rematch sa ONE 166: Qatar, kung saan nagkaroon naman ng illegal slam si Brooks sa opening minute, kung kaya natalo ito sa pamamagitan ng disqualification at ibinalik ang World Title kay Pacio.

Pinasalamatan ni Pacio sa lahat ng mga kapwa niya Pilipino na sumuporta sa kaniya sa laban lalo na ang kaniyang pamilya at mga Pilipino na nasa Qatar. 

“Thank you very much, my family, my church. Qatar you are wonderful. The Filipino kababayans here, thank you very much. Bring me back here again! That’s why I call it home away from home. Filipinos are very competitive all over the world, Filipinos are there,” ani Pacio. 

Samantala, kahit nakuha ang panalo, hindi naman nawala kay Pacio ang kababaan ng loob at sinabi nitong kahit natalo niya si Brooks ay nananatili naman dito ang kaniyang mataas na respeto sa kalaban. 

“I know Jared Brooks is always prepared. I know that he never underestimated me. I know the guy. He worked so hard. He trained so hard for himself and for his family. I know the caliber of athlete he is. He’s a very high-level wrestler, and I respect him so much. When you watch him, he’s that guy. He’s that bad guy in the movie, but honestly, he’s a good guy,” dagdag pa ni Pacio.

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
6
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
8
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
6
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
8
Read more