Nica Celis at ang hakbang ng Fighting Maroons patungong Final Four

NicaCelis UPFightingMaroons Volleyball
Rico Lucero

Mahigit 43 taon na ang nakakaraan mula nang magwagi ng korona ang University of the Philippines Fighting Maroons Women’s Volleyball Team sa UAAP Women’s Volleyball Tournament. Tila isang suntok sa buwan para sa kanila ngayon na maabot ang Final Four dahil huli nila itong napasok noong 2017.

Isa itong paalala sa bagong kapitan ng UP Fighting Maroons na si Nica Celis, na ngayon ay naatasaang gabayang ang koponan na maka-alis sa bottom spot at muling makapasok sa Final Four.

Ayon kay Celis, “win one game at a time” muna ang kanilang mindset at hindi pa sila masyadong naka-focus sa bigger picture na muling marating ang Final Four at makakuha ng kampeonato.

“We are not trying to focus on the big picture, reaching the Final Four. We are focusing on at least winning the game bit by bit,” sabi ni Celis sa interview sa kanya ng Laro Pilipinas.

“It serves as a reminder that it's been so long since we last reached the championship, decades. And it could serve as a motivation for the team. But right now, we are not all too focused about being at the top of the toppest. We are just trying to win one game at a time,” dagdag pa ni Celis.

Karamihan sa mga koponan ng women’s volleyball ay nasa kanilang rebuilding stage kaya’t ang pag-adopt sa sistema ay isa sa mga strengths na mayroon ang Fighting Maroons ay magiging malaking bentahe para sa kanila.

Sa kabila ng pagiging flexible ng kanilang team, hindi mawawala rito ang pagkakaroon ng problema.

Ibinunyag pa ng 20-anyos na middle blocker na ang Fighting Maroons ay may mga inconsistencies tulad din ng ibang koponan. Dumaragdag din sa pagkakaroon ng instability ng kanilang team na sa tuwing nagkakaroon sila ng ibang coaches ay magkakaiba ang ideolohiya sa larong volleyball ang kanilang kailangang matutunan.

Gayunpaman, nananatili siyang optimistic para sa isang matagumpay na season, lalo na sa suporta ng mga bagong manlalaro at sa pamumuno ni Coach Boc na nagbibigay ng kalayaang maglahad ng diskarte ang kanilang koponan. 

Anuman ang kanilang mga pagkukulang, umaasa pa rin si Celis na susuportahan ng UP Community ang kasalukuyang pagsisikap ng koponan. Aminado rin ito na ang Fighting Maroons ay mas aktibo ngayon dahil sa mga bago nilang recruit, ngunit umaasa pa rin siya na sila ay mapagtutuunan pa rin ng pansin ng mga kinauukulan.

“I hope you guys support the team that will change everything for UP this season so that for next season, it's much better. Because you can't look at the next team while ignoring the current efforts of this team,” saad ni Celis.

“So, I hope UP will really support us, and I don't really want to leave any expectations because our game will speak for itself,” pagtatapos niya.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more