Nesthy Petecio sasabak uli sa Olympic Game

NesthyPetecio 2028L.AOlympics SiklabAwardsNight Boxing
Rico Lucero
Photo courtesy: gmanewsonline

Plano ni Paris Olympian boxer at bronze medalist Nesthy Petecio na sumabak muli sa susunod na 2028 L.A Olympics. 

Ito ang kaniyang tiniyak matapos siyang  bigyang parangal sa katatapos na Siklab Youth Sports Awards nitong Huwebes ng gabi sa Makati City. 

Ayon kay Petecio, gusto pa nitong maglaro at lahat naman umano sila ay dadaan muli sa Olympic qualifiers at itutuloy aniya ang plano niyang pagsabak muli sa Olympics. 

“Hindi po masabi kasi alam niyo naman pong babalik sa Olympic qualifier ang lahat, so maraming pagdaraanang butas po diyan so basta ako, gusto ko pang maglaro,” pagbabahagi ni Petecio.

“Opo, nabitin po kasi talaga ako dito sa Paris e, sobrang nabitin po ako rito so itutuloy natin ito,” dagdag pa ng two-time Olympic medalist.

Matatandaang nitong nakalipas na Paris Olympics ay nakapag-uwi si Petecio ng bronze medal at noon namang Tokyo Olympics ay nag-uwi ito ng silver medal at gumawa ito ng kasaysayan sa bansa bilang first Philippine boxer to win back-to-back medals in the Olympics.

Bukod sa pagsabak niya sa L.A Olympics, pinaghahandaan na rin nito ang pagsasanay para naman sa SEA Games sa susunod na taon. 

“January 5 po, all aboard na po kami sa Baguio para sa training. Marami po kaming training abroad po, yun ang… and maraming laro po. Sabi ko kay Sir kung pwede sa mga major tournaments ako sumali kasi inaangatan ko rin yung mata ko hanggang ngayon. Walang hinto hangga’t walang ginto. Yun tayo.” pahayag pa ni Petecio. 

Samantala, ikinatuwa naman ng pride of Davao del Sur ang parangal na ibinigay sa kanya sa Siklab Awards Night, at itinuturing niya itong blessing na patuloy na dumarating sa kanyang buhay at sa karera na kanyang pinasok. 

“Sobrang blessed ako talaga na ako ang napili nila. Siyempre, ang dami nilang pwedeng pagpilian, and ako ang napili nila kaya sobrang salamat po and sobrang blessed po talaga,” pagtatapos ni Petecio.

Nagbigay din ng mensahe ang bronze medalist mula sa Davao del Sur sa mga kabataan na nangangarap na magkaroon ng karangalan sa Olympics. 

“Sa lahat ng mga batang nangangarap na mag-medal sa Olympics, naniniwala ako sa inyo, alam kong kaya niyo iyan dahil napatunayan na nating mga Pilipino na kaya nating makipagsabayan sa buong mundo,” 

“Aabangan ko kayong lahat. Good luck sa journey ninyo, ingat lang kayo lagi and ayun, focus lang, magdasal, makinig lagi sa coaches, magtiwala lagi sa sarili niyo.” dagdag pa ni Petecio.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more