NCR itinanghal na Overall Champion sa 65th Palarong Pambansa

Muling itinanghal na overall champion ang National Capital Region (NCR) sa pagtatapos ng 65th Palarong Pambansa, kung saan nasungkit ng NCR ang 117 gold, 70 silver, at 50 bronze medals.
Karamihan sa mga medalyang napanalunan ng NCR ay mula sa gymnastics (36), swimming (19), at athletics events.
Pumangalawa ang Calabarzon Region sa overall champion na may 47 ginto, na na-highlight ng malakas na pagpapakita sa chess (12 ginto) at swimming (11), kasama ang 68 na pilak at 66 na tanso.
Nakuha naman ng Western Visayas ang third place sa overall, kung saan mayroon itong 44 na ginto, na pinalakas ng mga kampeonato sa elementary girls' softball at secondary boys' baseball.
Ang Davao Region ay nakuha ang ikaapat na pwesto na may 43 golds, na nagpakitang gilas sa mahusay sa dancesport (14 golds) at nanalo ng mga titulo sa elementary boys' football at volleyball, at secondary boys' 5x5 basketball.
Habang naitala ng Northern Mindanao ang fifth place na may 31 gold medals kung saan anim sa mga medalya nito ay mula sa larong arnis.
Ito na ang ikalabing-walong taong sunod-sunod na naging overall champion ang NCR sa Palarong Pambansa.
Samantala, sunod namang isasagawa ang Palarong Pambansa 2026 sa Agusan Del Sur.
