MMA: World Games karate champion Junna Tsukii muling sasabak sa laban sa Nobyembre
Sa ikalawang pagkakataon, muling lalaban sa mixed martial arts si 2022 World Games karate champion Junna Tsukii laban kay Japanese Kate “Lotus” Oyama sa Soumei Kenkyu Presents DEEP 122 Impact sa darating na Nobyembre 4 sa Korakuen Hall, Bunkyo, Tokyo, Japan.
Magugunitang nagpakita ng impresibong laban ang Filipino-Japanese kontra kay Japanese kickboxer Ruka “Dobokuneki” Sakamoto na mabilis na tinapos ang laban sa first round sa pamamagitan ng rear-naked choke sa Deep Jewels Summer Festival noong Agosto 31 sa Tokyo Bay, Japan.
Si Tsukii ay humarap na ngayon sa bagong yugto ng kanyang carreer kasunod ng pagreretiro sa amateur matapos 26-taon.
Mas pinili na ni Tsukii makipagbanatan sa mga talentadong MMA fighter sa bansang Japan, maging sa pandaigdigang kumpetisyon.
Ayon kay Tsukii, pagtutuunan nito ang mixed martial arts para magkaroon ng mga malalakas pang kalaban sa hinaharap.
Umaasa din ito na patuloy siyang susuporthan ng kanyang mga fans para sa kanyang mga upcoming fights.
“As a professional, I will be working on mixed martial arts so that I can have an even more exciting match with stronger players, please continue to support me,” ani Tsukii.