Mixed Martial Arts kasali na Asian Games sa susunod na taon

Magkakaroon na ng Mixed Martial Arts (MMA) sa Asian Games sa susunod na taon kung saan ang bansang Japan ang magho-host ng premier sporting event sa kontinente ng Asya.
Ayon sa mga Olympic Council of Asia, ito ang kauna-unahang pagkakatapon na lalaruin ang sports sa Asian Games.
Bukod sa MMA ay pormal ding inaprubahan ang Cricket para isama sa ika-20 edisyon ng Asian Games.
Matatandaang ang T20 Cricket ay kasama sa sports noong 2023 Asian Games sa China at babalik naman sa Olympic program sa Los Angeles sa 2028.
Ayon sa OCA, isasagawa sa isang lugar sa Aichi ang T20 Cricket ngunit hindi pa malinaw kung saan dahil sa kasalukuyan ay wala pang venue sa prefecture para sa naturang sport.
Sinabi rin ng OCA na ang MMA ay mayroong anim na events kung saan ito ay nasa discipline class sa ilalim ng combat sports.
Inaasahan na mayroong 15,000 na atleta ang lalahok sa Asian Games na gaganapin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 sa Nagoya, Japan.
Sa kasalukuyan ay humihingi ang OCA ng tulong para mas lalo pang mapabuti at maisaayos ang kanilang paghahanda kabilang na ang tirahan at transportasyon para sa mga atleta at mga koponan.
