Mikee Cojuangco-Jaworski, isa nang IOC Coordination Commissioner

Itinalaga ng International Olympic Committee o IOC bilang Chair of the IOC Coordination Commission for the 2032 Olympic Games in Brisbane, Australia, si Filipina sports official Mikee Cojuangco-Jaworski.
Kasunod ito ng pagbaba sa pwesto ni Kirsty Coventry na bagong halal naman bilang IOC President.
Bilang miyembro ng IOC Executive Board mula pa noong 2020, tututukan ni Jaworski at pamamahalaan ang pagpa-plano para sa pagsasakatuparan ng Olympic Games sa Brisbane, Australia sa 2032.
Kasama sa magiging papel nito ay ang tiyakin na ang lahat ng aspeto ng proyekto ay maisasagawa at naipapatupad ng batay sa mga standard na ipinatutupad ng IOC.
“She (Cojuango-Jaworski) will oversee the planning and delivery of the Olympic Games Brisbane 2032, working in close partnership with the Organizing Committee, the Olympic Movement stakeholders, local authorities and International Sports Federations," ayon sa IOC.
"Her role will be to ensure that all aspects of the project are developed and executed to the highest standards, creating an inclusive, sustainable and memorable Olympic experience for athletes, fans and communities alike," dagdag pa ng IOC.
Matatandaang si Mikee Cojuangco-Jaworski ay naging gold medalist noong 2002 Asian Games at nagsanay ito ng mahigit 20 taon sa Australia sa mga kamay ni three-time Olympian Vicki Roycoft.
Naging Coordination Commission na rin ito sa Olympic Games sa Tokyo 2020, at maging sa Paris Olympics noong nakaraang taon (2024).
Si Mikee Cojuangco-Jaworski din ay naging kauna-unahang Asian woman executive board member ng International Olympic Committee.
Sa darating namang Mayo 20 hanggang 22, pamumunuan na niya ang paparating na Coordination Commission meeting sa Brisbane.
