“May mas magandang plano ang Diyos sa akin” - Kai Sotto

Rico Lucero
photo courtesy: Kai Sotto's IG

Pagkatapos magkaroon ng Torn ACL ang Gilas star player na si Kai Sotto, halos anim na buwan itong magpapahinga sa paglalaro ng basketball habang ginagamot at nagpapagaling sa tinamo nitong injury. 

Hindi naiwasan ng 22-year-old at dating Ateneo star na magmuni-muni sa nangyaring aksidente sa kanya at itinuring niya itong pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay sa kanyang basketball career.

Sa kabila din ng nangyaring ito sa kanya, tinanaw niyang positibo ang nangyari sa kanya. Sinabi nito sa kanyang Instagram post na alam niyang may mas magandang plano pa ang Diyos para sa kanya kaya magpapatuloy pa rin siya. 

“I appreciate all the love and support everyone has given me these past few days. I know God has a better plan for me and we just have to keep going,” ani Sotto. 

Pinayuhan din si Sotto ng kapwa basketbolistang si AJ Edu at sinabi nitong patuloy lang na magtiwala at manalig sa magagawa ng Panginoon para sa kanya, dahil katulad niya nagpakita rin ng kabutihan sa kanya ang Diyos kaya nakabalik ito muli sa paglalaro ng basketball. 

“My biggest advice is to trust in the Lord, to really hold on to faith that the Lord has good plans and will restore him. I’ve seen God’s goodness in my own life, restoring me to the basketball court, and I believe we’ll see it in Kai’s life, too. I was just trying to encourage him that there’s light at the end of the tunnel. He will come back better and stronger, not only physically but mentally, too,” ani Edu. 

Matatandaang na-injury si Sotto habang lumalaban ang kanyang koponan kontra Sea Horses Mikawa ng Japan B.League nitong Linggo, January 5, kung saan agad itinakbo patungong Tokyo, Japan si Sotto para isailalim sa MRI ang kanyang kaliwang tuhod. 

Hindi rin muna ito makakapaglaro at makakasama sa window ng 2025 FIBA Asia Cup sa susunod na buwan kung saan makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei at New Zealand. 

Sa kanyang unang taon ng paglalaro sa Koshigaya, ay nakapag-average na ito ng 13.8 points na may 52 percent shooting sa field, 9.6 rebounds, 2.0 assists at 1.1 blocks, kung saan maituturing na magandang simula ang performance na ito sa kanyang koponan.