Marvin Tabamo pasok na sa quarterfinals ng ASBC Elite Men and Women Championships 2024

MarvinTabamo ASBCEliteMenandWomenChampionships2024 Boxing
Rico Lucero
photo courtesy: SEA Sports News/fb

Pasok na sa quarterfinals ang Pinoy boxer at Flyweight title holder na si Marvin Tabamo sa ASBC Elite Men and Women Championships 2024 sa Chiang Mai, Thailand.

Ito ay matapos ang kanyang naging panalo kontra Ukraine boxer na si Siyovush Mukhammadiyev via unanimous decision sa  preliminary round ng men’s 51kg class.

Nagpakita ng magandang taktika sa pakikipaglaban si Tabamo sa kanyang kalaban sa opening round hanggang nakakuha ng tiyempo at distansya para masungkit nito ang 5-0 victory. 

Susunod na makakaharap ni Tabamo ang pambato ng China na si Wang Xiangkun. 

Samantala, bigo namang makakuha ng panalo sina Tyler Tanap at Brandon Jay Soriano sa kani-kanilang opening bouts sa men’s light middleweight at welterweight divisions sa Asian tournament. Gayundin si Mervin Alcober na nakalasap ng pagkatalo laban kay Ryspek Bektenov ng Kyrgyzstan sa quarterfinals ng Men’s Lightweight (60kg) division. 

Nasungkit naman ni Clark Bautista ang bronze medal sa Men's Featherweight (57kg) category matapos nitong talunin si Dovlet Muhanov ng Turkmenistan sa quarterfinal round sa pammagitan ng unanimous decision.

Bigo naman ang Pinay boxer na si Ofelia Magno na makuha ang panalo kontra kay Aigerim Sattibayeva ng Kazakhstan sa Women's Minimum (W48kg) division, habang si Riza Pasuit naman ay pasok na semifinals at tiyak nang mayroong maiuuwing bronze medal sa Women's Featherweight (57kg) division matapos nitong talunin ang Sri Lankan boxer via unanimous decision. 

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more