Legendary Nicaraguan boxer, dedma sa hamon ni Donaire
Inisnab lang ng Nicaraguan boxer na si Roman Chocolatito Gonzalez ang hamon ni “The Filipino Flash” Nonito Donaire na maglaban sila sa susunod nitong title fight.
Sa mensaheng inilabas ng Nicaraguan boxer sa X (dating Twitter), inihayag nitong wala siyang planong labanan ang dating Pinoy world Champion at nagbitiw pa ito ng mabigat na pananalita kay Donaire.
“On behalf of Team Chocolatito we want to inform our fans that we have NO INTEREST AT ALL of fighting @filipinoflash, nor are we in talks with his team. He has no title or ANYTHING that interest us therefore we wish him luck in Retirement. God Bless. “ ani Gonzalez sa social media.
Matatandaang nitong Hulyo ay katatapos lang lumaban ni Gonzales at naipanalo nito ang laban kontra matapos na ma-knock out ito sa 10th round sa pamamagitan ng TKO sa Nicaragua.
Samantala, si Donaire naman ay may isang taon nang bakante sa laban matapos na matalo ito ni dating World Boxing Council (WBC) titleist Alexandro Santiago sa 12 round via unanimous decision noong Hulyo nang nakaraang taon.
Hindi rin pinalad na manalo si Donaire sa magkasunod na world title fight laban kina undefeated Japanese at two-time undisputed champ Naoya “Monster” Inoue at Santiago para sa WBC 118-pound belt.