Kath Arado nagbigay ng reaksyon sa kaganapan sa UE Lady Warriors

KathArado PLDT PLDTHighSpeedHitters UELadyRedWarriors UPFightingMaroons Volleyball
PLDT HIGH SPEED HITTERS CAPTAIN AND LIBERO
KATH ARADO

Kath Arado, na dating University of the East (UE) Lady Red Warriors at kasalukuyang naglalaro sa Premier Volleyball League (PVL) bilang captain at libero ng PLDT High Speed Hitters, inihayag ang kalungkutang nadama nang nalaman niya ang naging kinahinatnan ng kanyang dating koponan.

“Noong una ko siyang nabasa, nalungkot ako. Kasi they are doing well,” saad ni Arado.

“Nakakalungkot lang dahil nage-evolve na sila pero dahil sa nangyari ay mahihirapan talaga sila sa gagawin nilang adjustment,” dagdag pa ng 2023 PVL Invitational Conference “Best Libero”.

Isang exodus ang nangyari sa koponan ng UE Lady Warriors na gumulat sa collegiate volleyball community. 

Napag-alaman kamakailan lang na bumaba sa pwesto bilang head coach si Dr. Obet Vital at kasama niya ang apat niyang former California Academy standouts at former Lady Warriors na sina Casiey Dongallo, Kizzie Madriaga, Jelai Gajero, at Shamel Fernandez.

Kasama na ngayon si Coach Obet sa coaching staff ng University of the Philippines (UP) Women’s Volleyball Team habang ang apat na players naman ay eligible na maglaro para sa Fighting Maroons sa Season 88. 

Ayon pa kay Arado ay malaki ang naging impact ng pagkawala ng apat dahil sila ang tinaguriang key players ng UE. 

“Kahit na pare-parehas ang pinagte-trainingan nila, iba pa rin iyong experience na dala nung apat.”

Ikinuwento rin ni Arado na nakakausap pa rin niya ang mga naiwang players, kahit na hindi na siya nakakabisita sa mga trainings nito, at natutuwa rin siya dahil sa kabila ng nangyari ay positibo pa rin ang outlook ng mga players.

Sa usaping Final Four naman ay umaasa si Arado na makakapasok ang Lady Warriors.

“Kung may mawawala, may darating naman. So, hoping pa rin ako at praying na makapasok sila kasi kilala ko sila at alam ko iyong skills na ibinibigay nila,” pagtatapos ni Arado. 

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more