Junto Nakatani napanatili ang kaniyang WBC Bantamweight title vs. Vincent Astrolabio
Nadepensahan ni Junto Nakatani ng Japan ang kaniyang titulong WBC Bantamweight laban kay Vincent Astrolabio ng Pilipinas matapos na matalo nito via knockout ang kalabang Pinoy.
Sinabi ni Nakatani, na inakala niyang magtatagal ang kanilang laban subalit sa unang round pa lamang ay napabagsak na niya ang kaniyang kalabang Pinoy nang tamaan niya ito sa sikmura.
Dahil dito mayroon nang boxing record na 28 na panalo at walang talo si Nakatani, habang si Astrolabio naman ay mayroon nang boxing record na 19 na panalo at 5 talo.
Umaasa si Nakatani na makakasali siya para sa title-unification bout at makakalaban ang nakababatang kapatid ni Naoya Inoue na si WBA champ Takuma Inoue.
Aniya, hindi sa minamadali niya ang kaniyang sarili sa mga laban,kaya kailangan niyang pagdaanan ito isa-isa at paunti-unti hanggang sa makuha din niya ang titulong Super Bantamweight title.