June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

Aminado is eight-time MVP June Mar Fajardo na nahirapan ito sa depensang ipinamalas ng TNT Tropang 5G sa kanilang paghaharap sa Game 3 PBA Finals noong nakaraang Biyernes, July 18 para makuha ang 108-88 panalo kontra TNT.
“Mahirap pa rin kahit wala si Poy. Siyempre nandu’n pa rin ‘yung teammates niya, lalo na si Kelly na tumitira sa labas at minsan duma-drive pa kaya medyo nahirapan ako.” ani Fajardo.
Matatandaang nadomina ng Beermen ang points in the paint 48-28 at second-chance points 16-2 mula sa 16-9 edge sa offensive boards – 4 kay Fajardo at 3 kay Don Trollano.
Nangolekta rin SMB ng 32 points mula sa 18 turnovers ng Tropa – 4 kay Calvin Oftana, 3 kay Williams.
Kapag naman nakuyog si Fajardo ng mga bataan ni Coach Reyes, naiiwang bukas ay nakakaresponde naman sina Chris Ross, Jericho Cruz, Trollano at Mo Tautuaa.
“Thankful ako sa tammates ko kasi nagpo-provide sila ng help sa akin,” dagdag ni Fajardo.
Samantala, isang panalo na lang ang kailangan ng San Miguel Beermen para makuha ang kampeonato ng PBA 49th Season Philippine Cup.
Ito ay matapos na talunin nila ang TNT 105-91 at nakuha ang kalamangang na 3-1 na bentahe sa best-of-seven-finals sa Game 4 na ginanap sa Mall of Asia Arena nitong Linggo, July 20.
Nanguna sa panalo ng Beermen si Jericho Cruz na nagtala ng 23 points habang mayroong 16 points si CJay Perez at 15 points at 12 rebounds naman si June Mar Fajardo.
Tinanghal muli ng PBA si Beermen star June Mar Fajardo bilang Best Player of the Conference ng PBA Season 49 Philippine Cup.
Mayroon itong average na 16 points , 13.95 rebounds, 3.2 assists at 1.1 blocks.
Nakakuha ang 6-foot-10 na Cebuano ng kabuuang 1,085 na kabuuang puntos para makuha ang pang 12 na BPC overall.
Pumangalawa sa kanya ang kapwa Beermen na si CJ Perez na mayroong 704 points na sinundan ni NLEX player Robert Bolic na mayroong 562 points habang nasa pangatlong pwesto si Zav Lucero ng Magnolia at Jayson Perkins ng Phoenix Fuel Masters.
