JD Cagulangan nasa South Korea na; sasabak agad sa laro sa Sabado

Rico Lucero
photo courtesy: Suwon KT's IG post

Nasa South Korea na ang former UP Fighting Maroons' point guard na si JD Cagulangan para sa kanyang bagong tatahaking kapalaran sa Basketball sa ilalim ng kanyang bagong koponan na Suwon KT Sonicboom. 

Sa Instagram post ng Suwon KT Sonicboom, ipinakita nilla ang pagdating ni Cagulangan sa Incheon International Airport nitong Huwebes, January 9. 

Dahil dito, sasabak agad si Cagulangan sa aksyon sa darating na Sabado, January 11, kung saan makakaharap ng Sonicboom ang Gutang and the Seoul Samsung Thunder ng Korean Basketball League (KBL). 

Matatandaang Disyembre nang nakaraang taon nang pirmahan ng Suwon KT ang aplikasyon ni Cagulangan para opisyal na maging bahagi na ito ng koponan ng Sonicboom. Siya ang ikatlong Asian Import ng Suwon KT. 

Makakasama din nito ang mga kapwa Pinoy Basketball players na kabilang sa KBL gaya nila Carl Tamayo, Justin Gutang, Migs Oczon, and SJ Belangel. 

Magugunitang si Cagulangan ang itinanghal na MVP sa katatapos na UAAP season 87 men’s basketball kung saan sa huling laro nito ay nakapagtala siya ng 12 points, two rebounds, four assists, and three steals, na nagbigay ng magandang imahe sa kanyang basketball career. 

Ang naging performance nito sa UAAP Finals ay nag-iwan ng di matatawarang record kung saan nag-average ito ng 13.67 points, 4.33 rebounds, 4.67 assists, 1.33 steals, and 0.67 blocks sa championship series.