Jamie Danielle Nirza umangkin ng ginto sa BIMP-EAGA Kata
Ipinamalas ni Jamie Danielle Nirza ang kanyang galing at husay upang angkinin ang gintong medalya sa women’s individual kata event ng 2024 2024 Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Philippines – East Asean Growth Area (BIMP-EAGA) noong Miyerkules, Disyembre 4, na ginanap sa NCCC Mall sa Puerto Princesa, Palawan.
Ang 18-anyos na si Nirza, na kumakatawan sa Philippines Team A, ay nagpakita ng kanyang natatanging kakayahan upang makakuha ng kabuuang 36.5 points at tinalo si Anisa Aira Nur ng Malaysia na nakapagtala ng 36.2 points para sa silver medal.
Sina Ameera Liew ng Malaysia B at Nasir Abdul ng Brunei ang kumumpleto sa podium para makuha ang bronze medal.
“Sobrang Saya ko po na nakuha ko yung gold dahil pinaghirapan ko po talaga ito. Nagawa ko yung gusto kong gawin sa execution,” ani Nirza.
Bigo naman si Nirza na magkamit ang double gold haul matapos mag-settle sa pilak na medalya sa women’s team event. Kasama ni Nirza sa Philippine team sina Yesha Ho at Al Rhina Kawano na humango ng 34.6 points.
Sa kabilang banda, nagwagi naman si Arvin Jaydonn Santillan ng Philippines A sa advanced men’s individual kata matapos umani ng 36 points upang masungkit ang silver medal.