Ikatlong sunod na panalo nasungkit ng Batang Pier vs. Hotshots

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nasungkit ng NorthPort Batang Pier ang kanilang ikatlong sunod na panalo kontra sa Magnolia Hotshots sa kanilang sagupaan nitong Miyerkules ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa pagpapatuloy ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup.

Ayon kay Batang Pier assistant coach Rensy Bajar, ang nagpanalo umano sa kanila ay ang ipinakita nilang depensa at mga ginawang fastbreak points.

"Nagpanalo sa amin dito is 'yung defense. Then plus factor 'yung fastbreak points namin, which is iyun talaga gusto naming ma-achieve ngayong game na ito - to outrun Magnolia," sabi ni Bajar. 

Ang pagiging agresibo ni Joshua Munzon ang isa rin sa nagpanalo sa NorthPort kung saan  humataw ito ng 25 points, nine rebounds, three assists at five steals. 

“I just wanted to be aggressive. I felt I was open a lot of the time,” ani Munzon.

Bukod kay Munzon, pinangunahan din ng import na si Kadeem Jack ang laro sa pamamagitan ng kanyang 30 points at 11 rebounds production, habang mayroon namang 27 points at eight rebounds si Arvin Tolentino.

Samatala, nanguna si Jerom Lastimosa para sa Hotshots na nagtala ng 27 points, walong rebounds at walong assists.

Sa ngayon, mayroon ng tatlong panalo at wala pang talo ang NorthPort habang ang Magnolia naman ay mayroong isang panalo at dalawang talo.

Susubukan ng NorthPort na makakuhang muli ng isa pang panalo sa Linggo, December 8, laban sa TNT Tropang Giga, sa Ynares Center sa Antipolo City, habang ang Magnolia Hotshots  naman ay haharapin ang TNT Tropang Giga sa Miyerkules, December 11, sa Ninoy Aquino Stadium. 

Ang mga Iskor:

NORTHPORT 107 –  Jack 30, Tolentino 27, Munzon 25, Yu 9, Nelle 5, Navarro 4, Flores 4, Onwubere 3, Bulanadi 0, Tratter 0, Miranda 0, Cuntapay 0.

MAGNOLIA 103 – Lastimosa 27, Dela Rosa 16, Dionisio 13, Ratliffe 10, Eriobu 7, Sangalang 6, Lucero 4, Ahanmisi 3, Abueva 3, Mendoza 0.

QUARTERS:   28-31, 59-52, 77-78, 107-103.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more