Ikalawang sunod na panalo nakuha ng Meralco Bolts kontra Dyip

ChrisNewsome BongQuinto ChrisBanchero MeralcoBolts PBA Basketball
Jet Hilario
photo courtesy: PBA

Matapos ang dramatikong tagumpay sa pagsisimula ng kanilang title defense ay suwabeng inilista ng nagdedepensang Meralco ang ikalawang sunod na panalo.

Tinalo ng Bolts ang Terrafirma Dyip, 118-80, sa pagpapatuloy ng Season 49 PBA Philippine Cup kahapon, Abril 6, sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate.

‘I think the guys are pla­ying well together. They’re sharing the ball. Bong (Quinto) led the way, iyong mga assists, you know we have 26. Last, last conference we ‘re about 20, 21 (assists),” ani coach Luigi Trillo.

Umiskor si CJ Cansino ng 19 points tampok ang dalawang four-point shots at may 16 markers si Kurt Reyson para sa Bolts.

“Talagang ready naman kami every game namin, especially sa practice namin talagang pinu-push nila kami (coaches), Tala­gang lahat ng player na ginamit ngayon nag-contribute,” dagdag ni Quinto.

Bigo naman ang Terrafirma na maduplika ang naunang 95-87 nang talunin nito ang Phoenix noong Biyernes, Abril 4.

Kaagad nag-init ang Bolts sa pagtatayo ng 25-10 abante patungo sa pagpoposte ng isang 20-point lead, 42-22, tampok ang three-pointer at drive ni Cansino sa 7:40 minuto ng second period.

Sa pagbubukas ng third quarter ay naglunsad ang Meralco ng isang 12-0 atake para muling makalayo sa 68-43 sa 6:21 minuto nito.

Ang magkadikit na four-pointer ni Cansino at triple ni Reyson ang tuluyan nang nagbaon sa Terrafirma sa 93-56 sa pagsisimula ng fourth period.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more